Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng papatulya ng Philippine Coast Guard sa impapawid malapit sa Baho de Masinlok,
00:05umaligid ang fighter jet ng China.
00:08Labes pa silang radio challenge ng Chinese vessels.
00:11May unang balita si Chino Gaston.
00:17Nagsagawa ang Philippine Coast Guard ng Maritime Domain Awareness Flight
00:20sa bandang Baho de Masinlok nang biglang lumitaw.
00:23Ang kulay gray na Chinese J-15 fighter jet na ito,
00:27unang tumabi ang fighter jet sa PCG aircraft sa layong 500 feet
00:31na para bang inoobserbahan ito.
00:35Habang tayo mapalapit ng Baho de Masinlok,
00:37ay napansin natin ang pagdating nitong Chinese fighter jet
00:41sa higit kumulang 20 minuto ng kumakaligid at kumapalibot
00:45sa patrol aircraft ng Philippine Coast Guard.
00:49Ito raw ang unang beses ngayong taon na gumamit ang China ng fighter jet
00:52para mag-intercept ng patrol aircraft ng PCG.
00:55Kalaunan, umalis din ang Chinese fighter jet.
01:02Hindi raw masabi ng PCG kung may kinalaman
01:04ang bagong taktika ng China
01:06sa nangyaring salpukan ng mga bargo ng Chinese Navy at Coast Guard
01:10habang tinataboy ang BRP Suluan sa Baho de Masinlok noong lunes.
01:14I don't want to speculate that this is a response of what had happened last Monday.
01:20But one thing is clear, no?
01:23Every time we conduct an MDA flight over BDM,
01:27they're also harassing and endangering the safety of the Coast Guard aircraft.
01:33Ilang beses nakaranas ng radio challenge mula sa Chinese vessels
01:36ang PCG patrol aircraft na ang misyon ay magpatrolya sa BDM
01:41at hanapin ang nasirang CCG 3104.
01:44Hindi na namataan sa lugar ang nasirang barko
01:51maging ang nakabangga nitong PL-8 Navy Warship 164.
01:55Pero nakita naman namin roon ang dalawang barko ng Amerika,
02:01ang US Littoral Combat Ship na USS Cincinnati
02:04at Arleigh Burke-class US Destroyer na USS Higgins
02:08na binubuntutan ng dalawang barko ng Chinese Navy
02:12maging ang mga Amerikano nire-radio challenge ng mga Chino.
02:16Sa isang pahayag, sabi ng Southern Theater Command ng China,
02:19tinaboy daw nila ang mga barko ng Amerika
02:21na wala raw paalam na pumasok sa lugar.
02:24Sa ginawang ito ng Amerika,
02:26nalabag daw ang kanilang soberanya at seguridad
02:29at pinahina raw ang kapayapaan sa South China Sea.
02:33Tugo ng United States 7th Fleet,
02:35hindi totoo na itinaboy ang kanilang barko ng China.
02:39Naroon daw ang kanilang mga barko
02:40sa isang Freedom of Navigation Operation
02:42alinsunod sa International Law.
02:44Dinidepensahan daw ng Estados Unidos
02:46ang kanilang karapatan na lumipad,
02:48maglayag at mag-operate
02:50saan mang pinahihintunutan ng batas,
02:52bagay na hindi umano mapipigilan
02:55anumang sabihin ng China.
02:57Kalaunan, nilisan rin umano ng USS Higgins
03:00ang bahagi ng South China Sea
03:02na labis umanong inaangkin.
03:05Dagdag pa ng US 7th Fleet,
03:07araw-araw ang kanilang operasyon sa South China Sea
03:10at may koordinasyon sa mga kaalyado
03:12na may katulad na panindigan
03:14na isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.
03:19Sabi naman ang Philippine Coast Guard,
03:21The Philippine government is supportive
03:22of the freedom of navigation.
03:24We need to make sure that all of our deployments,
03:27whether you are People's Republic of China
03:30or members of the like-minded states,
03:34your behavior and operation
03:36in the South China Sea
03:37or any other parts of the world
03:39should always be guided.
03:41Ito ang unang balita,
03:43Chino Gaston,
03:44para sa GMA Integrated News.
03:46Igan, mauna ka sa mga balita,
03:50mag-subscribe na sa GMA Integrated News
03:53sa YouTube
03:54para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.

Recommended