Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Panalangin ang hiling ng pamilya ng dalawang batang nasa ICU pa rin
00:04matapos silang mabagsakan ng debris mula sa gusali sa Quezon City kahapon.
00:09Alpo sa lokal na pamahalaan, isa sa iniimbisigahan nila
00:12ang paglalagay noon ng antena na posible umanong nakasira sa palitada ng gusali.
00:18Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:20Na-operahan na pero critical pa rin ang kalagayan ni Carl Jaden Baldonado.
00:30Isa si Carl sa tatlong istudyanteng nabagsakan ng kongkretong bahagi
00:34ng Atherton Place Condominium sa panulokan ng Tomas Morato at Roses Avenue sa Quezon City.
00:41Nasa intensive care unit ngayon si Carl, pero ang kanyang mga magulang hindi nawawala ng pag-asa.
00:47Kasi nakikita namin, ang gauge namin, lumalaban siya kaya kailangan lumaban din kami para sa kanya
00:56kasi sa amin siya kukuha ng lakas.
00:58Gusto ko lang din magpasalamat sa mga lahat ng tumutulong sa amin ngayon.
01:01Sa patuloy na pagdadasal niyo sa anak ko, maraming salamat po.
01:04Bukod kay Carl, nasa ICU rin si Michael Sanchez na nabagsakan din sa ulo ng debris mula sa gusali.
01:11Ang kakambal niya na si Miguel, nakauwi na sa bahay matapos namang masugatan sa braso.
01:18Ang Atherton Place Condominium, binisita ng Department of Building Official ng Quezon City.
01:23Patuloy raw ang investigasyon sa posibleng paglabag sa building code ng may-ari ng gusali.
01:30Batay raw sa kanilang record, 1995 na bigyan ang building permit ang naturang gusali.
01:352022 naman daw nang lagyan ito ng antena, nakatabi lamang ng nahulog na debris.
01:41Maaaring may naging efekto yung pagkabit ng antena, kaya na-disturb siguro yung palitada.
01:47Yung antena kasi that was installed about 2022.
01:53Taon-taon naman daw iniinspeksyon ang gusali, pero hindi raw structural ang problema ng gusali, kundi architectural.
01:59Yung mga structural, titignan namin yung mga column kung maayos pa yung mga biga.
02:07Meron din yung electrical components.
02:09Tinitingnan namin yung mga breakers nila kung hindi umiinit.
02:13So yun yung mga subject ng inspeksyon.
02:15Pati mechanical, mga elevators, iniinspeksyon din namin.
02:18Unfortunately, ito kasi mga architectural to it.
02:22So hindi kasama talaga sa inspeksyon namin.
02:24Hindi rin daw nakapagsubmit ng tao ng maintenance program ang pamunuan ito.
02:29Sinikap namin hinga ng panigang Atherton pero walang humarap sa amin.
02:33Habang gumugulong ang investigasyon, rekomendasyon ng local government.
02:37Palitan na nila yung palitada nila.
02:39Tsaka in the meantime, maglagay sila ng canopy.
02:42Kasi nga, nakita na natin na hindi na masyadong stable.
02:45Hiwalay na kaso pa kung sakali ang posibleng kaharapin ng pamunuan ng gusali
02:50mula sa pamilya ng tatlong batang nabagsakan ng debris.
02:53Pero ayon sa kanila mga pamilya, tinututukan muna nila ang kalagaya ng mga bata.
02:59Kailangan pa po namin ang patulipong panalangin.
03:03Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
03:15At ibang balita.

Recommended