00:003 overseas Filipino workers ang nasagip mula sa hindi kaaya-ayang tinutuluyan nila sa Jeddah, Saudi Arabia.
00:07Ayon sa Department of Migrant Workers.
00:10Nagsagawa sila kasama ang Migrant Workers Office ng Jeddah at Overseas Workers Welfare Administration
00:16ng random inspection sa nasabing accommodation building na hawak na isang foreign recruitment agency.
00:23Sira daw ang mga kama at air conditioning at kulang pa ang pagkain.
00:28Hindi rin daw nito sinunod ang dapat na paghiwalay sa mga magkakaibang lahi sa mga kwarto.
00:35Ayon sa DMW, isang buwan ng suspendido ang pagproseso ng employment documents ng ahensya.
00:42Walang pahayag ang nasabing recruitment agency.
Comments