00:00Pangingisda at pagsasaka sa harap ng maundad at konkretong mga syudad.
00:06Meron pa rin yan sa isang lugar sa Metro Manila.
00:09Si Denise Osorio sa detalye.
00:13Sa gitna ng mala concrete jungle na Taguig City,
00:17hindi pa rin nawawala ang mga tradisyon ng pangingisda at pagsasaka.
00:21Pero sa harap ng mabilis na urbanization,
00:24kailangan ding sumabay sa makabagong paraan para hindi mamatay ang kabuhayan.
00:28At para na rin sa food security ng lungsod.
00:35Pero para kay Zaldi, mas bihasa siya sa nakasanayang kabuhayan.
00:45Pero para sa LGU, kailangan mag-meet halfway ang tradisyonal na pamumuhay at technology.
00:58Sa pangingisda naman sa Laguna Lake, nabubuhay ang senior citizen na si Mang Mario.
01:14Pagsubok naman sa kanya ang hirap na daanan ng mga bangka dahil sa nakaharang na water lily.
01:21Mas mahalaga yung pakangailangan namin sa ngayon,
01:25ang kawayan, gawaan ng sa aming daanan.
01:28Hindi kami makakalabas kung masasaraduan ang aming daan.
01:32Araw-araw namang nagpupunta ang Lake and River Management Office
01:36para maalis ang mga sagabal sa lawa.
01:39Sa ilalim ng programang pangkalikasan at pangkabuhayan ng tagig,
01:44hindi lang sa pangingisda nakatutok ang pamahalaan.
01:47Mula sa urban farms, diretsyo ang mga ani sa mga ospital at shelter para sa mga kabataang residente.
01:54Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.