00:00Bantay sarado ng nasa 25 barko ng China ang baho di Masinlok sa West Philippine Sea
00:05ayon sa monitoring ng Philippine Coast Guard at isang maritime security expert.
00:10Ang isa sa mga barkong yan ni Radio Challenge ang PCG aircraft na nagpatroo sa lugar kahapon.
00:15Balita hantin ni Jonathan Andal.
00:25Hindi lang galing sa China Coast Guard ang natanggap naming Radio Challenge,
00:29kundi galing na sa mismong barkong pandigma ng China habang papalapit kami sa Scarborough Shoal.
00:46Pero hindi nagpatinag ang kasama naming mga piloto.
00:49Ang misyon ng Philippine Coast Guard ang magpatrolya sa Baho di Masinlok o Scarborough Shoal.
01:02Hindi pa man kami nakalalapit doon, nagpakita na ng pwersa ang China.
01:06May nakita na kami rito mga barkong pandigma ng China na nakadeploy dito.
01:17Sa atin naman, sa Pilipinas, meron tayong barko ng Philippine Coast Guard na nandito dito.
01:22Maya-maya pa, may lumilipad na rin chopper mula sa panig ng China.
01:26May chopper, may chopper, sir.
01:29May chopper na lumilipad dito.
01:31Mukhang galing doon sa barkong pandigma ng China.
01:34Ang mga tagpong ito, nangyari 100 nautical miles o 180 kilometers mula sa coastline ng Iba Zambales.
01:4250 nautical miles pa ang layo bago marting ang Baho di Masinlok.
01:46Kaya nagtataka ang aming mga piloto.
01:48Anong mayroon sa Baho di Masinlok at malayo palang gwardyado na ito ng husto ng China?
01:53Para malaman, lumipad kami sa bukana ng Masinlok.
01:56Wala naman kaming nakitang kakaibang aktibidad.
01:58Pero may isang Chinese maritime militia vessel ang nakapwesto sa bukana.
02:03Nakikita rin yan sa satellite image na ito ng maritime security expert na si Ray Powell.
02:08Isang barko sa bukana ng Masinlok habang sandamakmak na barko ng China ang nakapaligid dito.
02:15Mula himpapawid, nakita namin ang dalawang barkong pandigma ng China,
02:18dalawang Chinese Coast Guard ships at dalawang Chinese militia vessel.
02:22Ayon sa Philippine Coast Guard, umaabot na sa 25 ang mga barko ng China sa Masinlok.
02:28Ang Pilipinas naman may dalawang Coast Guard ships, isang fish carrier at tatlong pong bangka ng mga mangingisdang Pinoy.
02:35Concerning in a way na if we're going to look at the Filipino fishermen being harassed ng mga Chinese maritime forces na ito,
02:46dahil mapre-prevent nila ang ating mga kababayang mangingista to move forward towards Baho di Masinlok.
02:54Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:58Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments