00:00Inilunsad ang Sumbong sa Pangulo Portal para direct ang makapagsumbong sa Pangulo ang publiko patungkol sa mga palpak o hindi matapos-tapos na flood control projects sa iba't ibang lugar.
00:11Ang detalye sa report ni Vel Custodio.
00:17Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha.
00:24Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang.
00:30Nagginawa niyo. Nagginawa niyo lang ang pera.
00:35Ito ang tumatak na linya ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation address.
00:42Tila na pun din na ang Pangulo dahil sa sunod-sunod na pagbaha sa kabila ng higit 540 billion peso sa pondo sa flood control projects.
00:51Una nang sinabi ng Pangulo na hahabulin niya ang sino mang sangkot sa paglanakaw sa pondo ng proyekto.
00:57Kasama sa unang hakbang ni President Marcos Jr. ang transparency.
01:02Gaya ng pag-launch ng sumbong sa Pangulo website.
01:05Ano nga ba ang magiging papel nito sa mga flood control projects ng gobyerno?
01:10Nakapublish sa website sa flood control list.
01:13Nakalagay ang location, contractor, halaga ng proyekto at date of completion.
01:19Kapansin-pansin sa bawat gilid ng proyekto ang nakahighlight in red na report.
01:23Kapag nag-click ka sa report, ito ang lalabas.
01:27Pwede mo nang i-report ang status ng flood control project list.
01:31May disclaimer naman na iimbestigahan ang inyong sumbong bago mapanagot ang mga nasa likod ng palyadong project.
01:38Mas minadali rin ang paghahanap ng mga proyekto dahil may search button ng sumbong sa Pangulo.ph.
01:44Kung may pakialam sa bayan, gamitin ang sumbong sa Pangulo.ph para masawata ang korupsyon.
01:51Ven Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.