00:00Isiniwala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang umano'y mga anomalya sa flood control project sa bansa.
00:08Sa paunang findings ng investigasyon, natukoy ang 10 probinsya na may pinakamaraming flood control project.
00:14Pero, ang pinagtataka ng Pangulo, hindi kasama dyan ang mga probinsyang flood prone o yung pinakabinabaha si Patrick Jesus sa detalle.
00:22Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nakasilip sa mga red flags sa flood control project sa bansa.
00:34Sa halos 10,000 flood control project ng bansa, simula noong 2022 na nagkakahalaga ng P545B, 60% walang specification.
00:45Ibig sabihin, hindi matukoy kung itinayo, kinumpuni o sinailalim sa rehabilitasyon.
00:52Nabisto rin ng Presidente ang mga proyekto na magkakaiba ang lokasyon.
00:57Pero pareho ang disenyo, halaga at laki. Bagay na pinagdududahan ng Pangulo.
01:03Imposible yan. It is impossible for one barangay, even if they are the next barangay,
01:09to have the exact same project to the exact same amount with the exact same contractor.
01:17Imposible yan.
01:18And that is why that is a significant finding already that we have made.
01:25Natukoy sa report ang sampung probinsya na may pinakamaraming flood control project.
01:30Pero ipinagtataka ng Pangulo bakit hindi tugma.
01:34Wala kasi rito ang limang lugar na top flood prone provinces,
01:38kabilang Nueva Ecija, Maguindanao, North Cotabato, Oriental Mindoro, at Metro Manila.
01:45Whatever, pinaka-flood prone, yun dapat ang pinakamaraming project.
01:51Pero parang hindi ito tugma.
01:53Kaya yan, kailangan natin pag-aralan na mabuti kung bakit nagkaganyan.
01:58Nabahala rin ang Pangulo dahil napunta lang sa ilang contractors ang proyekto.
02:0320% ng kabuang 545 billion pesos sa pondo ay napunta lang sa 15 kontraktor.
02:11Katumbas yan ng halos 100 bilyong pisong halaga.
02:16Lima rito may proyekto sa lahat ng rehyon sa Pilipinas.
02:20This is another disturbing assessment, statistic.
02:2520% of the entire 545 billion budget napunta lang sa 15 na kontraktor.
02:33My experience as governor is that as much as possible, we try to do it by local.
02:38Kasi pwede na may madali.
02:41Sabi, bilisan dyo na. Bakit wala pa?
02:43Pwede mong anihin.
02:44You have some influence over the thing.
02:46But that one, that for me was the one that stood out very much.
02:53Five of these contractors had projects in almost the entire country.
03:02So those are the ones that immediately pop out na sa aking palagay ay kailangan natin tignan.
03:09Patuloy ang investigasyon sa mga nasilip ng Pangulo.
03:13Katuwang ang Department of Economy, Planning and Development.
03:17Umapila siya sa taong bayan na tulungan ang gobyerno.
03:20Lalo na ngayon na pwede nang magsumbong sa isang website.
03:23Kung saan makikita ang listahan ng lahat ng flood control projects sa bansa.
03:28Ito ang sumbong sa pangulo.ph.
03:33Siya raw mismo ang tutugon sa reklamo at sumbong.
03:36Ang lalapitan na ngayon ninyo ako mismo.
03:39Dahil akong titingin dito araw-araw sa website natin at babasahin ko ang report na ibibigay ng taong bayan.
03:47Nagbabala na ang Pangulo na wala siyang sasantuhin opisyal na sangkot sa korupsyon.
03:52We have to clean our ranks. It might be a little painful.
04:00Baka masarpot dyan yung mga tao na malapit sa atin.
04:06Ngunit kahit malapit sila sa atin, mas malapit naman siguro sa puso natin yung taong bayan.
04:14Kaya silang unahin natin.
04:16Bukas naman ang pamahalaan sa pagtulong ng negosyanteng si Ramon Ang at pribadong sektor para maibsan ang baha sa Metro Manila.
04:25Mula sa ulat ni Claycel Pardilla, Patrick Bezos para sa Pombansang TV sa Bagong Pilipinas.