00:00Kumikilos na din ang Banko Sentral ng Pilipinas laban sa negatibong epekto ng online gambling.
00:05Sa katunayan, ayon po sa BSP, sinasapinal na nila ang mga bagong panuntunan na nabuo sa pumamagitan ng public consultation.
00:13Sa ilalim nito, ire-require ang mga banko, e-wallets at iba pang financial service providers
00:19na magpatupad ng mas mahigpit na safeguards laban sa mga bantang dulot ng pagsusugal.
00:25Kabilang sa mga ito ay ang mas mahigpit na identity verification kung saan kasama na ng biometric checks at facial recognition.
00:35Magkakaroon din ng daily limits sa pag-transfer ng pera sa mga may kaugnay sa pagsusugal
00:40at magpapatupad din ng time-based restrictions sa gambling payments.
00:45Ginit ng BSP, kaisa ang kanilang institusyon sa pagkakaroon ng isang ligtas,
00:50secured at inclusive digital financial or finance ecosystem sa mga Pilipino.