00:00Umarangkada na ngayong araw ang pagpapalawak at pagpapaganda ng Siargao Airport Terminal.
00:06Sa oras na matapos ito, inaasang tataas pa ang mga seservisyohan nito mga pasahero at turista.
00:13Si JC Aliponga ng PTV Davao sa Sentro ng Balita Live.
00:21Sisimula na ngayong araw ang konstraksyon sa Expanded Passenger Terminal Building sa Siargao Airport
00:27dito sa Del Carmen, Surigao del Norte.
00:30Layunin ng programa na mapaayos at mapaganda ang isa sa mga tourist getaway sa ating bansa.
00:37Pinangunahan ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon
00:41at Department of Tourism Secretary Cristina Garcia Franco
00:45kasama ang mga kinatawan ng Civil Aviation Authority of the Philippines LGU
00:50at pribadong sektor sa ground ceremony para sa pagpalawak ng passenger terminal ng Siargao Airport.
00:57Sa ilalim ng Public-Private Partnership o PPP, layunin ang proyekto na palawakin ang kapasidad ng terminal
01:04mula sa kasulukuyang 200 na pasahero kadaaraw tungo sa 600 hanggang 750 na pasahero.
01:11Idadagdag din ang mga restrooms at check-in counters at aalisin ang ilang pasalidad tulad ng VIP launch at labis na X-ray machine
01:21upang maging mas maluwag at mas mabilis ang proseso para sa mga biyahero.
01:26Bahagi ito ng mas malawak na PPP initiative na sumasaklaw sa Siargao, Davao at Bicol Airports
01:33upang imodernize ang mga pangunahing tourist getaway.
01:37Personal na inutos ni Pangulong Ferdinand Marcus Jr.
01:40ang proyekto bilang hakbang upang maibsan ang congestion at mapataas ang kalidad ng biyahe sa mga lugar
01:46na lumalakas ang turismo gaya ng Siargao.
01:49Ang disenyo ng bagong terminal ay hango sa lokal na kultura at resort vibe ng isla.
01:55Target ng DOTR na gawing international getaway ang airport, ang Tito, ang Siargao Airport
02:01kabilang ang pagpapahaba ng runway upang makatanggap ng mas maraming biyahe mula sa ibang bansa.
02:08President, with what the President has been repeatedly saying all this time
02:13that it is our job in the national government as well as the local government
02:18to really give our visitors the best possible experience that they can have
02:24especially during times na gusto lang nilang mag-relax, gusto nilang mag-biyahe with their families,
02:31with their friends, especially in a place like Siargao which is really, I think,
02:37one of the most beautiful places not only in the country but in the entire world.
02:42The more tourists that we are able to cater from international and domestic here in Siargao,
02:50the more opportunities there will be for expansion of livelihood and employment opportunities.
02:57Ayon sa DOTR, matatapos ang proyekto sa buwan ng Agosto sa taong 2026
03:04kung saan mas marami pang turista ang makakapunta dito sa Siargao Island.
03:10Mula dito sa Siargao Airport, ito si JC Aliponga para sa Pangbansang TV sa Bagong Pilipinas.
03:18Maraming salamat, JC Aliponga.