Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nakuunan sa CCTV ang paghabol sa isang lalaki ng dalawang empleyado ng isang barbershop sa barangay Pasong Tamo, Quezon City.
00:09Hawak ng lalaki ang kutsilyo na ginamit umano niya sa pagsaksak sa isang barbero.
00:15Umabot ang habulan hanggang sa Major Marcos Street, pero hindi na inabutan ang lalaki.
00:20Nasa mayos ng kalagayan ng 44 taong gulang na barbero na nagtamo ng sugat sa kaliwang pisngi.
00:27Ayon sa kanya, unang beses lang niya nagupitan ng sospe.
00:30Nung ginupitan ko ng pay date, sabi niya sa akin kasi nung ginugupitan ko, huwag mo nang bawasan yung taas.
00:36Hindi ko po binawasan. Tapos nung pagtingin niya sa salamin, gawin nung ganun siya,
00:41sabi niya, bawasan mo na nga lang ang pangit ng banks.
00:45Ginawa ko sir, binawasan ko sir. Bumawalit siya ng upuan tapos nagbayad. Umalis.
00:53Matapos daw ang halos 30 minuto, bumalik ang sospek at doon na siya sinaksa.
00:58Nai-report ang insidente sa Holy Spirit Police Station.
01:01At tumawag din ang asawa ng biktima sa 911 hotline ng PNP.
01:05Tinry ko lang po kung totoo talaga or ano.
01:08Pag dahil ko ng 911, so may sumagot agad.
01:11After 5 minutes, ayun na po, nang datingan na po yung mga kapulisan natin.
01:16Sa follow-up operation ng polisya, naaresto ang 27-anyo sa lalaking sospek sa kanyang bahay.
01:22Nakuhang kitchen knife na ginamit niya sa pananaksa.
01:25Ayon sa polisya, hindi magkakilala ang biktima at sospek.
01:29At iisang motibo lang nakikita nila sa krimi.
01:31Napagalaman po namin na dahil po sa hindi nagustuhan ng sospek ang gupit niya,
01:37ay sinaksak ko niya itong biktima.
01:39Dahil po yung pinapagupit ko po sa kanya, yung katulad lang din po ng paydad yung saligod.
01:46Pero hindi ko po pinapabawasan yung itaas.
01:49Pero ginupit niya pa rin po kahit po labag po sa loob ko.
01:53May hindi rin po ako ng tawad sa pagkaamali ko po.
01:58Hindi ko lang po sinasadya talaga eh.
02:00Desidido ang biktima at kanyang asawa na ituloy ang reklamong attempted murder laban sa sospek.
02:05Hindi ko siguro papatawarin sir. Pakukulong ko talaga siya.
02:09Dahil lang po sa buhok, pag di mo gusto makakapatay ka ng tao,
02:13makakapanakit ka ng tao, pag di mo gusto yung gupit ng barbero sa'yo.
02:17Sa record ng pulisya, May 2022 nang makasuhan na rin ang sospek ng attempted murder sa Valenzuela City.
02:24James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.

Recommended