00:00Binarangalan ng Land, Transportation, Franchising and Regulatory Board Region 11
00:06ang tatlong public utility vehicle drivers dahil sa kanilang katapatan,
00:11pagmamalasakit at commitment sa public service.
00:14Kinilala bilang superhero si Ferdinand Lim,
00:18isang tourist transport driver na walang pag-aalin langang ibinalik
00:22ang isang mamahaling cellphone sa nakalimot na may-ari nito na isa sa kanyang mga pasahero.
00:28Kasama rin sa kinilala si Edalberto Optana,
00:31taxi driver na nagbalik ng P29,000 na naiwan ang kanyang pasahero.
00:37At si Edwin Hermosilla, isang jeepney driver na tubulong sa isang pasahero
00:41nagkamaling sumakay sa kanyang jeep at hindi alam kung paano makararating sa kanyang paroroonan.
00:48Inihatid mismo ni Hermosilla ang pasahero sa kanyang destinasyon at hindi siningil ng pamasahe.
00:54Ayon sa LTFRB Region 11, nagsisilbi itong patunay na maasahan ng sistema ng transportasyon
01:00at ang mga driver sa lungsod.
01:03Ang Superhero ay bahagi ng inisiyatibo ng LTFRB
01:07na itaguyod ang kultura ng katapatan, serviso at kausayan sa sektor ng pampublikong transportasyon.