00:00Sa ibang balita, tinawag ni National Security Advisor Eduardo Año na
00:04irresponsable ang paglulunsad ng rocket ng China noong lunes
00:08na pinaniniwala ang bumagsak malapit sa Palawan.
00:11Yan ang ulat ni Patrick De Jesus.
00:15Nag-deploy na ng barko at helicopter ang AFP Western Command
00:19para hanapin ang mga posibleng debris mula sa Chinese Space Rocket
00:24na bumagsak malapit sa Palawan.
00:26Una ng kinumpirma ng Philippine Coast Guard ang malalakas sa pagsabog
00:30na narinig ng mga residente mula sa silangang bahagi ng Palawan
00:34kung saan mayroong condensation trail na nakita sa kalangitan.
00:39Kasabay ito ng paglulunsad sa Long March 12 rocket
00:42mula sa Hainan Province sa China noong August 4.
00:46Bago nito ay naglabas ng abiso ang Philippine Space Agency
00:50patungkol sa drop zone sa naturang rocket na malapit sa Palawan.
00:54A naval vessel and a rotary aircraft was deployed sa Sulu Sea
00:59roughly between the eastern side of the mainland Palawan and Tubataha
01:05doon yung area na pinacheck or pinuntahan ng aircraft at saka vessel.
01:14Sa ngayon ay wala pang namamataang debris
01:16pero patuloy ang gagawing paghanap ng Westcom para sa kaligtasan ng publiko.
01:22Dahil na rin po sa warning na inisyo ng N-Dream Sea
01:28ayaw po natin na may ibang hawak na mga sibilyan
01:35at baka po contaminated siya.
01:39At the same time, we wanted to have the waterways po
01:45clear of any debris that may cause accidents or ibang pang untowards incident po.
01:53Plano po ng Westcom na hanapin hanggat hindi nakikita
02:00or hindi na practical hanapin kung mahirap talagang makita sa dagat.
02:07Tinawag naman ni National Security Advisor Eduardo Año
02:11na iresponsable ang ginawang rocket launch ng China
02:15na maaaring magdulot ng panganib sa mga residente lalo na sa Palawan.
02:20Mariin itong kinundina ni Año habang nanawagan din siya sa publiko
02:24na iwasang lumapit kung makita ng debris
02:27at sa halipa iulat kagad ito sa mga otoridad.
02:31Ikinabahala rin ang gobyerno ang rocket launch ng China
02:35at umapila ang Department of Foreign Affairs
02:38na maging responsable sa mga space activities.
02:42Titignan po muna kung may nalabag
02:43pero as of the moment parang wala naman pong nakikita na paglabag ng anuman.
02:48Patrick De Jesus para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.