00:00Napanatili ng labor market ng Pilipinas ang matatag na performance nitong nakalipas na buwan ng Hunyo.
00:06Ayon sa pinakahuling Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority o PSA,
00:11tumaas sa 96.3% ang employment rate nitong June 2025,
00:16katumbas ng 50.47 milyong Pilipino na may trabaho.
00:21Mas mataas ito kumpara sa employment rate noong May 2025 na 96.1%.
00:28Kaugnay nito, bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipino na walang trabaho na naitala sa 3.7% nitong Hunyo mula sa 3.9% noong Mayo.
00:39Dagdag pa ng PSA, bumaba rin ang underemployment rate na naitala sa 11.4% nitong June 2025.
00:47Ayon sa Department of Economy, Planning and Development o DEFDEV,
00:52sumasalamin ito sa pinabuting access sa oportunidad sa trabaho sa bansa.
00:57Tiniyak naman ang DEFDEV na patuloy ang pagpapabuti sa pagiging competitive ng workforce ng bansa
01:03sa pamamagitan ng paghanay ng edukasyon at pagsasanay sa pangangailangan ng mga industriya,
01:10patuloy din ang pagpapalakas na mahakbang para sa pagsusulong ng school-to-work transitions at employability ng mga kabataan.