00:00Bumaba ang trust at performance ratings ng Senado batay sa bagong tuguan ng masa survey ng Okta Research.
00:06Tumas naman ang ratings ng Kamara.
00:0849% ang nagsabing nagtitiwala sila sa Senado.
00:12Mas mababa kumpara sa 57% na naitala noong November 2024.
00:17Mula naman sa dating 53%, bumaba sa 47% ang performance rating
00:22o yung mga nasisiyahan sa pagganap ng Senado sa kanilang tungkulin.
00:26Ang Kamara naman parehong 8 percentage points.
00:29Ang itinaas sa trust at performance ratings.
00:3257% ang kanilang trust rating mula sa dating 49%.
00:3755% naman ang kanilang performance rating kumpara sa dating 47%.
00:42Walang nagpakomisyon sa natura ng survey na sinagutan ng 1,200 Pilipino sa pamamagitan na face-to-face interviews.
00:50May margin of error ito na plus minus 3%.
00:53Ginawa ang survey noong July 12 hanggang 17 na kasagsagan ng masamang panahon
00:58at mahigit isang linggo bago nagbukas ang bagong sesyon ng Kongreso.
01:02Wala pang reaksyon ang Senado sa bumaba nilang trust at performance ratings.
01:07Sabi naman ni House Speaker Martin Romualdez, ibig sabihin ang mas mataas nilang ratings
01:11ay nakatutulong sa mga Pilipino ang bawat debate, sesyon at panukalang batas na isinusulong nila.
01:17Pangalagaan daw nila ang tiwalang iyan sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod at pagkakaisa ng kamera.
Comments