Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kahit sa pag-inom ng tubig, kailangan din daw balansyado ayon sa eksperto.
00:06Dahil kung problema ang kulang sa tubig o dehydration, delikado rin ang sobra-sobra sa tubig o overhydration.
00:13Ang FitRap sa report ni Katrina Son.
00:19Ikaw ba'y tila matamlay? Kutis ay dry at gutom kahit may laman ng tiyan.
00:26Kung oo, ang sabi ng doktor, malamang dehydrated ka.
00:39Natuto na nga raw ang property specialist na si Jenna Mapalag na uminom palagi ng tubig nang minsan daw siyang mahilo.
00:48Tulad noon na talagang sobrang init na init talagang halos mag-collapse na rin po talaga.
00:54Water is life nga raw para sa taxi driver na si Fernando Razo.
01:00Kapag hindi raw siya hydrated, ramdam daw niyang mabigat ang kanyang katawan.
01:05Masikip sa dibdib eh. Kakulang sa tubig. Kailangan po marami tayong tubig na nainom.
01:12Lalo na ngayon, ilang araw na naman, uminit na gusto.
01:16Masasabing well hydrated ang tao kung hindi nakakaramdam ng uhaw at light yellow ang kulay ng ihi.
01:23May mga pagkakataong kailangang damihan ang inom ng tubig.
01:27Halimbawa, sobrang init, nag-i-ehersisyo, may lagnat, mga ganyan.
01:32Ang maaaring kinakailangan natin na magtaas pa or mas damihan pa po natin ang ating ininom na tubig.
01:38Pero kung sobra-sobra ang tubig o overhydrated, delikado rin.
01:43Kasi kapag ka-overhydration, maaaring din magkaroon na problema na tiyatawin natin ang electrolyting balance,
01:48lalo na yung pagkakaroon natin ang hyponatremia o bumabagsak masyado ang sodium sa dugo.
01:53At ito, maaaring magdulot ng pagsuswell ng cells lalo na sa brain natin.
01:57Kaya para mapanatiling hydrated, mainam na uminom ng isang baso ng tubig kada oras.
02:03At payo rin ng doktor, pwede pa rin maging hydrated sa pagkain.
02:08Lalo na sa mga prutas at gulay.
02:10Ang mahalaga, matiyak na sapat ang taglay na potassium, electrolytes at magnesium sa katawan.
02:17At yung mga nerve signaling, nakakatulog din sila doon at saka yung iba pang mga balance.
02:22Kaya minsan, kahit uminom ka ng tubig, kung tubig lang yun, kung wala yung electrolytes,
02:28sometimes nakakaroon ng pakiramdam na parang pagod pa din.
02:31Katrina Son, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended

2:00
Up next