Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Gustong palitan ni Sen. Irwin Tulfo ang buwan ng ayuda sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps
00:07ng isang bagsak na puhunan sa negosyo.
00:10Ang sagot dyan ng DSWD sa pagsaksi ni Dano Tingcunco.
00:19Dahil walang trabaho at gustong mapag-aral ang mga anak,
00:22nag-apply ang inanicate sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps noong 2019.
00:27Sa education po namin, binibili po ni Mama yung mga gamit po namin sa school pag may natatanggap po siya
00:34and sa health naman po namin, yung mga gamot po, nakakabili din naman po siya
00:39and also yung mga ibang kailangan po namin sa bahay, like yung mga bigas po.
00:47Pero may kondisyon ng ayuda, tulad ng pagdalo sa mga family development session para mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
00:54Nagtuturo po yung mga municipal link po ng iba't-ibang pamamaraan po kung paano po namin magagamit yung mga cash grant
01:00at also po, and tinuturoan din po nila ang mga 4Ps beneficiary po na maging aktibong mamamayan po,
01:08hindi lang po in terms ng education, in terms din po ng pagiging huwarang pamilya po.
01:16Ngayon, graduate na ng office administration si Kate at planong tumulong sa pamilya,
01:20lalo't 7 taon lang ang maximum na tagal ng pagtulong ng gobyerno.
01:25Pero kung si Senator Irwin Tulfo ang tatanungin, dapat buwagin ng tuluyan ang programa.
01:30Imbis na buwan ng ayuda na may kondisyon, magbigay na lang anya ng isang bagsak na puhunan sa negosyo.
01:35Yung pang isang taon nila matatanggap, ibigay mo na ng lump sum at bahala ka na dyan.
01:40Pero bago mong bigyan sila ng budget, kailangan alam nila, sabihin nila kung anong bagagawin na sa pera na yun at may training po sila.
01:49Pero tanong ng DSWD, ngayon pa ba buwagin ang programa kung malinaw naman ang beneficyo nito?
01:54Walang reason na talagang i-scrap or buwagin ang programa kasi napatunayan that Pantawid Pamilyang Pilipino Program can contribute para magbumaba ang ating poverty incidence.
02:10Katumbas ng tatlong milyong Pilipino ang matatanggal sa kahirapan dahil sa tulong ng four-piece ayon sa DSWD.
02:17Hindi lang kasi ito tungkol sa pagbibigay ng pera.
02:20Kabilang sa kondisyon nito, ang tiyake ng mga magulang na nag-aaral ang mga anak at regular na bumibisita sa health center ng ilang taon habang nasa ilalim sila ng four-piece.
02:29Ang edukasyon at kalusugan at ang itinuturo sa kanila sa mga sesyon ang kayang bumasag sa kahirapan.
02:35Hindi tulad ng pera o puhunang maaaring maubos sa wala.
02:38Mahirap po yung one time kasi hindi mo maa-assure na talagang tuloy-tuloy yung pag-aaral ng mga bata.
02:46Pero at least ngayon, susundan mo eh. Susundan mo at talagang mag-i-develop yung behavior.
02:57Yun naman ang purpose ng four-piece eh. Yung behavior change.
03:01At talaga yung mga magulang kahit mahirap, di ba?
03:04Mabigyan lang ng pagkakataon na makapag-aaral ang mga anak, di ba?
03:07Talagang ano eh. Talagang magsusumi ka.
03:10Ang mahalaga ayon sa DSWD ay maiahon sa kahirapan ng mga benepisaryo.
03:15Kaya tuloyan niya ang pagrepaso sa four-piece para masiguro ito.
03:20Para sa GMA Integrated News, ako si Danating kung kung ang inyong saksi.
03:25Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:28Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended