00:00Samantala, mas pinaiting pa ng Department of Education ang mga hakbang nito contra school bullying.
00:06Ito'y sa tulong ng pinagtibay na Revised Implementing Rules and Regulations ng Anti-Bullying Act of 2013
00:13na may mas malinaw at mahigpit na panuntunan.
00:16Ayon sa Deped, ang lahat ng privato at pampublikong paangalan, community learning centers
00:22at kahit Philippine schools sa ibang bansa at international schools
00:26ay kailangang i-adopt ang standard anti-bullying policies.
00:30Nakasaad din sa bagong IRR ang maagang intervention at malinaw na proseso sa pag-resolba ng mga reklamo at apela.
00:39Nakatakdatin, aniya dito ang mahalagang papel ng mga grow, school heads, magulang, substitute parents
00:45at maging ang mga kapwa-estudyante.
00:47Hindi lang din umanopisikal na pananakit ang saklaw ng bagong polisiya
00:52kundi maging mas malinaw na din ang depenisyon ng senyales ng bullying
00:57tulad ng pananakot, cyberbullying at diskriminasyon.
01:01Itinakda naman ang mga learner formation officer na unang contact point sa mga kaso ng bullying.
01:07Inaatasan din ang mga paralan na isama sa kanilang handbooks
01:11ang anti-bullying procedures at ipaskil sa tatlong prominenteng lugar sa campus.
01:16Diit ni Education, Secretary Sonny Angara, ang mga paralan ay lugar para sa pagkatuto
01:22ng mga bata at hindi lugar ng pangapi.
01:25Wala niyang puwang ang bullying, hindi lang sa mga paralan kundi sa ating lipunan.