Skip to playerSkip to main content
Naaresto sa Parañaque ang apat na Chinese National na modus ang pagpapapalit ng pera—pero kidnapping ang pakay. Dalawang Tsino naman na nahuli sa operasyon kontra-scam ang naaktuhang nagdodroga! May report si John Consulta.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naaresto sa Paranaque ang apat at Chinese national na modus ang pagpapapalit ng pera pero kidnapping ang pakay.
00:07Dalawang Chino naman na nahuli sa operasyong Contra Scam ang naaktuhang nagdo-droga.
00:13May reports John Consulta.
00:19Scam activities ang target sa condo unit sa Paranaque na sinilakay ng NBI Organized International Crime Division at Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration.
00:30Sa loob, dalawang Chinese national ang naaktuhang nilang nagdo-droga.
00:35Bestado ang shabu at drug paraphernalya sa tabi ng kanilang kompyuter.
00:39Ayon sa mga otoridad, ang isa sa mga Chino sangkot umano sa money laundering activities ng isang sindikato.
00:45Siya ang nagpo-provide ng mga mobile bank accounts.
00:49Itong mobile bank account na ito, ito yung ginagamit na pinaglilipatan ng mga perang nakuha sa mga panluloko.
00:56Siya ay taga-linis ng pera ng mga scam hubs na nag-ooperate dito sa atin.
01:02Proceeds ng pera from China or kung saan bansaman sila nakakuha ng biktima,
01:08dadaan sa kanya dito at papadala dito sa atin.
01:11At i-invest niya sa mga legitimate na negosyo upang ito ay malinis at maibigay niya doon sa mga kasabuat niya sa sindikato.
01:18May kasong fraud naman sa China ang isa pang Chino.
01:21Kinasuhan natin sila ng violation ng RI-965, specifically yung section 11 saka section 12.
01:30At the same time, in-inquest din natin yung dalawa sa Bureau of Immigration for violation ng immigration laws.
01:36Sangkot naman sa kidnapping ang apat pang Chinese na hiwalay na nasakote sa isa pang hotel casino sa Paranaque.
01:42Na-rescue ng mga polis sa kwarto ang kinidnap nilang dalawang kapwa Chino.
01:46Batay sa investigasyon, nagawa ng isang biktima na makatawag sa kaibigan na siyang tumawag sa 911.
01:52Sa inisyal na investigasyon natin, sila ay dati ng mga nagtatrabaw noon sa Pugo.
02:00So kilala ito sa mga nang nagpapautang at at the same time, ito rin yung nagpapapalit na pera.
02:08Foreign exchange ang ginagamit ng modus ng mga suspect.
02:10Nag-aalok daw sila ng masabata sa exchange rate at kapag kumagat na ang biktima, papapuntahin sa kanilang itinaktang lugar pero di napakakawalan hanggat di nagbibigay ng ransom.
02:21Kahit na nandito pa yung mga Pugo na mamayagpag pa sila, yan din na isa sa mga rason kung bakit nagpapatayan ang mga yan.
02:28Hold upan dahil alam nila na may pera itong kaderang bibiktimahin.
02:33Sinusubukan pa namin makuha na ng reaksyon ng mga suspect na iniabla na ng kidnapping and serious illegal detention.
02:39John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended