Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa mga sumasakay po sa LRT2, pwede rin po kayo riyan magparehistro para sa 2025 Barangay at Sanguniang Kabataan Elections.
00:08At live mula sa Maynila, may unang balita.
00:11Ibea, Pimlak.
00:12Ibea, may nakapila na ba at hanggang anong oras ng registration?
00:19Marius, kaninang 6 pa lang ay meron ng mga nakapila rito.
00:22Dahil 5 to 7 minutes lang po, itapos na yung proseso ng pagrehistro bilang botante dito sa LRT2, Recto Avenue at iba pang special registration anywhere, anytime program o SRAP sites na minuksan ng COMELEC.
00:39May 6 na araw pa para sa mga nais mag-register para makaboto sa 2025 Barangay at Sanguniang Kabataan Elections na nakatakda sa Desembre a 1.
00:49Hanggang August 10 na lang ang nationwide voter registration.
00:53Bukod sa COMELEC offices, isa itong LRT2 Recto Station sa mga lugar kung saan pwedeng magparehistro.
00:59Sa Metro Manila, meron ding special registration of voters sa mga piling mall, LRT Station, Eskwelahan, Park, Bus Station at iba pa.
01:09Ayon sa COMELEC, target dito yung mga empleyado, estudyante at commuter nakahabol sa voter registration, lalo na yung hindi talaga nakakapunta sa mga COMELEC office dahil sa kanilang schedule.
01:21Meron tayong susunod, PITX, meron din tayo sa Hospital ng Maynila, meron tayo sa Terminal ng Palipara natin,
01:30at the same time, meron din tayo sa mga lugar kung saan nandiyon yung call centers ng nagtatrabaho yung ating mga kababayan.
01:37Kahit gabi, pwede magparehistro.
01:39Para ma-accommodate natin, yung mga kababayan natin na nagtatrabaho, hindi nakakaalis sa kanilang pinagtatrabahuhan.
01:45Basta kung saan nagkukumpulan yung mga tao, kung saan madami lagi ng mga kababayan natin, lalo na kapag sila halimbawa nagbabiyahe, umuwi.
01:54Pwede mag-register ang mga ngayoy 14 anyos basta't pagdating ng mismong araw ng eleksyon ay 15 anyos na.
02:02Sa ngayon, nasa 6,000 na ang nagpaparehistro sa Labinsham na special registration sites ng COMELEC.
02:0873% daw dito ay mga first-time voter.
02:11Ayon sa COMELEC, kinumpirma na ng Malacanang sa kanila na posibleng lagdaan ng Pangulo sa August 12
02:17ang panukalang batas na nagpapahaba sa termino ng barangay at SK officials sa apat na taon mula sa tatlong taon.
02:25Nakapaloob din dito ang pagpapaliban sa BSKE na mula December 1, 2025 ay magiging November 2, 2026 na.
02:33Ang registration natin sa kasalukuin ay tatagal lamang hanggang adjins ng Agosto.
02:39Subalit kung sakali na ito ay mapospon ang eleksyon at maging next year na,
02:44muli kami mag-re-resume ng registration sa October 3rd week.
02:49At ito ay maaaring tumagal hanggang July of next year naman.
02:53Matuloy man o hindi sa Desyembre auno, nakahanda raw ang COMELEC na tumalima sa magiging desisyon ng Pangulo.
03:00Ayon sa COMELEC, 1 milyon ang inaasahan nilang magpaparegister na bagong butante.
03:05Sa ngayon, nasa 200,000 na raw ang naitatala nilang nagpaparehistro.
03:15Maris, sabi ng COMELEC, sasalain pa naman yung mga registration na natatanggap nila.
03:20At kung magka problema daw sa inyong registration, ay makakatanggap po kayo ng liha mula sa local COMELEC office by August 20 po.
03:28At dito na malalaman kung ano yung pwede niyong gawin para umusad pa rin ang inyong registration.
03:33At yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
Be the first to comment