00:00Tatapusin muna ang pagbuo sa membership ng House Committee bago simulan ang komprehensibong pagrepaso sa infrastructure projects ng pamahalaan.
00:09Ayon kay Bicol Saro Partilist Representative Terry Redon, House Committee on Public Accounts Chairperson,
00:15target nilang simula ng investigasyon sa mga proyekto kabilang na ang flood control projects ngayong buwan ng Agosto,
00:22kabilang sa mga iimbitahan ng mga kawani at opisyal ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
00:29Matatanda ang kabilang sa binatikos ni Pangulong Ferdinand Marks Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address o SONA,
00:36ang mga nagsasabuatan para nakawan ang pondo ng bayan sa pamagitan ng mga proyekto, kabilang na rito ang mga palpak na flood control projects.
00:44So bahagi po nito yung DPWH, pagpapaliwanagin ano po yung mga estado na lahat na infrastructure, particularly yung flood control projects sa taon po na ito.
00:56Meron bang mga na-delay? Meron bang mga ghost projects? Meron bang mga actual na natapos na? At ano pa ho yung mga dapat gawin for the entire course of the year?
01:06Iniutos ni PBBM sa DPWH ang audit at performance review sa lahat ng flood control projects.
01:14Kahit ongoing pa ang investigasyon ng DPWH, maaari ring magsagawa ang Kongreso ng pagrepaso sa mga proyekto, ayon kayo Rep. Ridon.
01:22Kaugnay naman ang mga aligasyon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may ilang kongresista o manong nakikipagsabuatan para kontrolin ang mga proyekto,
01:31paboran ng peeling contractor at kumubra ng prosyento mula sa mga proyekto.
01:36Pusibli anyang maimbitahan ng alkalde sa gagawing legislative inquiry.
01:41Gayunman, kailangan anyang makapaglabas ang Baguio City Mayor ng matibay na ebedensya kaugnay ng kanya mga akusasyon.
01:48Well, very important siguro, bagitin muna kaya Mayor Magalong, ipakita niya ebedensya.
01:55Kasi mabigat yung akusasyon eh.
01:57Ang akusasyon, ang mga kongresista, 30%, 40% getting kickbacks from government projects.
02:04I think as soon as we do a review, he should be invited.
02:07Ayon kay Speaker Martin Romualdez, paiigtingin pa ng Kamara ng 20th Congress ang oversight functions nito
02:14at magsasagawa rin ng mid-year performance reviews sa mga ahensya ng pamahalaan.
02:19Rosa Lecoz, UNTV News and Rescue.
02:22Diyos ang aming sandigan, serbisyo publiko ang aming pinahahalagahan.
Comments