00:00Nabulabog ng sunog ang mga pamilya sa Barangay Fort Bonifacio sa Taguig nitong hating gabi.
00:05Pahirapan ang pag-apula sa sunog sa dibababa sa 16 na bahay.
00:10Nakatutok si Jomer Apresto.
00:16Tanaw mula sa tulay na ito ang sunog sa Barangay Fort Bonifacio sa Taguig City,
00:20mag-alas 12 ng hating gabi kanina.
00:22Sa laki ng sunog, mabilis itong inakyat sa ikatlong alarma.
00:25Ang ilang bumbero, nagbubugan na ng tubig mula sa bahagi ng Skyway.
00:29Ang ilan, sa Loton Avenue na nagparada.
00:33May mga bumbero rin na ginamit ang kanilang mga hos para mabilis na makababa at makalapit sa mga nasusunog na bahay.
00:39Dahil sa bilis ng pangyayari, marami sa mga residente ang wala halos mga gamit na naisalba.
00:44Tulad ng 66 years old na si Derna.
00:47Natutulog na sila ng kanyang apo ng sumiklabang sunog.
00:50Inakala pa umano niya na simpleng away lang mula sa isang lamay ang ingay na kanyang naririnig.
00:55Pagbukas ko ng pinto, nakita ko yung katabi naming bahay.
01:00Lumalagablab na. Halos wala na nga natira eh.
01:02Wala na kaming nadala. Kasi andyan na eh. Mainit na sa amin eh.
01:07Hindi naman mapigilan maging emosyonal ng 38 years old na si Daisy.
01:11Paupahan daw kasi ng kanyang pamilya ang isa sa mga nasunog na bahay.
01:15Sa kwento niya, nagiinuman sila ng mapansin nila na nagliliyab na ang fourth floor ng kanilang bahay.
01:21Nagkakiyahan po kami. Pagkita po namin yung taas po, maano na po yung sunog.
01:27Hindi na po namin nakabula sa noong matulungan.
01:30Wala po kami na isang iba kahit ano po.
01:33Ang ilang residente na kaagad nakalikas, pinili na unahing iligtas ang kanila mga alagang hayop.
01:39May ibang exotic pets ang daladala tulad ng mga ahas na ito.
01:43Ang iba naman, mas piniling iligtas ang imahe ng Santo Niño.
01:46Ang residente namang ito, halos himatayin.
01:50Mabuti at maraming kapitbahay ang umalalay sa kanya.
01:53Walang napaulat na nasugatan o namatay sa sunog.
01:56Sabi ng barangay, mananatili muna sa covered court ang mga residenteng na wala ng tirahan.
02:00More or less, nasa 16 houses.
02:02Yung mga bahay po kasi na yan, mostly mga renters po yan.
02:05So by kwarto-kwarto yan, isang palapag ilang kwarto.
02:09Dito rin muna mananatili ang mga residente na nabasa ng todo ang mga bahay dahil sa pagbomba ng tubig.
02:14Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung magkano'ng halagan ng mga napinsalang ari-arian at kung ano ang pinagmulan ng apoy.
02:21Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.