Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Simula na ngayong araw ang voter registration para sa 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
00:05Sa Iloilo City, inaasahang aabot ay 1,000 magpaparehistro kada araw.
00:11At live mula sa Iloilo City, may unang balita si John Sala ng GMA Regional TV.
00:17John, good morning!
00:21Ivan, alas 8 ngayong umagay magsisimula ang voter registration dito sa Iloilo City
00:26at ilang oras bago ito ay nakahanda na ang Comelec Iloilo City.
00:31May mga nakalagay ng signage ng step-by-step na proseso bilang gabay ng mga magpaparehistro simula ngayong araw
00:38para sa 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
00:42Mayroon ding lane para sa mga PWD, senior citizens at mga buntis.
00:46Ang mga upuan ay tiniyak na naayos na upang maging mabilis at organisado ang proseso ng pagpaparehistro.
00:53Tinitiyak din ng mall management ang kaligtasan ng lahat sa pamamagitan na pagtatalaga ng mga security personnel.
01:00Ayon sa Iloilo City Comelec, nasa 800 hanggang 1,000 ang inaasang magpaparehistro kada araw hanggang sa August 10.
01:08Mula naman August 3 linggo hanggang sa August 10 ay magpapatuloy ang registration sa iba pang malls sa Iloilo City.
01:14Bukod sa registration ay maaari ding iproseso ang change of name and status, correction of entries, reactivation at updating of records.
01:24Wala namang isasagawang transfer of voter registration.
01:28Ivan, paalala ng Comelec Iloilo City sa mga first-time voters na magpaparehistro na siguraduhing magdala ng kanilang birth certificate na issued ng PSA o local civil registrar.
01:39Magpapatuloy din ang registration kahit weekends o holidays.
01:43At paalala din ng Comelec Iloilo City na walang isasagawang mga transaksyon sa kanilang opisina dahil lahat ng ito ay isasagawa sa mga malls.
01:51Yan ang latest dito sa Iloilo City. Balik sa inyo, Ivan.
01:54Maraming salamat, John Sala ng GMA Regional TV.
Be the first to comment