00:00.
00:05Mahigay 30 laptop mula sa Department of Education
00:08ang ninakaw sa faculty room ng isang eskwelahan sa Maynila.
00:125 suspect at 10 kabilang ang 2 minor de edad na itinuturong mastermind sa krimen.
00:18Narito ang unang balita ni Jomer Apresto.
00:23Sirang pinto at charge cart cabinet
00:26ang bumungad sa mga guru ng isang paaralan sa Santa Ana Maynila
00:29nang magbalik eskwela nitong Martes
00:32matapos manalasa ang habagat at mga bagyo noong nakaraang linggo.
00:36Nilooban kasi ang senior high school faculty room
00:38at natangay ang mga gadgets sa loob nito.
00:41Sangkot umano ang dalawang binatilyo na edad 15 at 17.
00:45Ayon sa polisya, natangay nila ang mahigit 30 laptop
00:49na inisyo ng DepEd na nagkakahalaga ng 1.2 milyon pesos.
00:53Sa maliit na butas na ito sa likod ng paaralan,
00:56sinasabing naglabas-masok ang dalawang sospek.
00:59Nahuli sa follow-up operation ang dalawang binatilyo
01:02kasama ang tatlo pang lalaki.
01:04Ang tatlo pang mga kasama,
01:06ang umano'y nagsilbing ahente na nagbenta raw sa mga laptop
01:09sa halagang 1,000 hanggang 2,000 pesos bawat isa.
01:12Pitong laptop na lang ang narecover ng mga polis.
01:15Tinitignan ngayon ng mga otoridad ang angulo na inside job
01:18dahil alam ng mga sospek kung anong kwarto ang papasuki nila.
01:22Posible po na naging estudyante sila dun sa school
01:24o may mga kaibigan po sila na estudyante dun
01:27at nakikita po yung mga laptop.
01:30Nagkahanap pa po kami ng iba pang mga ebidensya
01:32para matuntun po namin kung saan naroon po yung ibang mga laptop.
01:38Aminado ang tatlong sospek sa krimen
01:40at itinuro ang dalawang minorde edad bilang mga mastermind umano.
01:44Ayun lang po yun, yung dalawang minor yung pumasok doon.
01:46Ibang araw po yung maraming pang gumawa,
01:48hindi lang po kami.
01:50Iba po gumawa.
01:51Isang beso lang naman ako nagbenta, binigay lang pagkabigay sa akin ng laptop.
01:56Mahaharap sila sa reklamong robbery.
01:58Dadalhin naman sa DSWD ang dalawang minor de edad.
02:01Sinusubukan pa namin hinga ng pahayag ang kanilang magulang.
02:04Sabi naman ang barangay,
02:05dati nang nilooban ang paaralan dahil walang gwardya na nagbabantay roon.
02:09Due to budget constraint po yata,
02:12eh hindi na nagagawa.
02:12At sinabi po namin, limitado lang po kakayanan ng barangay
02:16sa pagbabantay po dyan sa eskwela na yan.
02:18In fact, nawala na po sila ng ilang gamit dyan.
02:20Nawala po sila ng mga computer set at saka po aircon.
02:26Yung mga, saka yung mga gamit po sa eskwela,
02:28yung ibang gamit pa po.
02:30Sinusubukan pa namin kunan ang pahayag ang paaralan.
02:33Nagbabala naman ang MPD sa mga napagbentahan ng mga ninakaw na laptop
02:36na maaari silang makulong dahil sa paglabag sa anti-fencing law.
02:40Ito ang unang balita.
02:42Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:46Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:48Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:51at tumutok sa unang balita.