00:00Naglabas ng tsunami warning ang ilang bansa kahapon kasunod ng magnitude 8.8 na lindol sa Russia.
00:07Gano'ng nga baka delikadong tsunami at anong mga dapat gawin kapag may warning na inilabas ang gobyerno?
00:12Narito ang unang balita.
00:17Mapaminsal ang lindol at tsunami na kumitil na may kitlabin siyam na libong buhay.
00:22Ang magnitude 9 na lindol noong 2011 na binansagan din Great East Japan Earthquake and Tsunami
00:28naging mitsa rin ang nuclear accident sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Station sa Japan.
00:342004, tumama ang magnitude 9.1 na lindol sa west coast ng northern Sumatra sa Indonesia.
00:41May 200,000 ang nasawi sa lindol at tsunami na nakaapekto sa labing dalawang bansa,
00:47kabilang ang Indonesia, Sri Lanka, India at Thailand.
00:51Karaniwang lindol sa ilalim ng dagat ang pinagmungulan ng mga tsunami,
00:54pero pwede rin ito mabuo sa pamamagitan ng underwater landslide o pagsabog ng bulkan.
01:01Di gaya ng mga karaniwang alon, kung saan yung ibabaw lang ng dagat ang gumagalaw.
01:05Sa tsunami, buong water column ang nabubulabog mula sa ilalim ng dagat patungo sa ibabaw.
01:12Sa malalim na bahagi ng dagat, posibleng kasing bilis ng jet plane ang tsunami,
01:16pero hindi pa ganun kataas ang alon.
01:19Katunayan, pwede hindi nang mapansin ang isang barko sa deep waters na may dumaang tsunami.
01:24Kalaunay babagal ang tsunami habang papalapit sa mababaw na katubigan,
01:29pero pataas din ang pataas ang mga alon.
01:32Ang mga matinding tsunami, pwede lang pas isan daang talampakan ang taas,
01:37kung malapit sa kanilang pinagmulan.
01:39Lalong delikado kapag bumalik ang tubig sa dagat,
01:42dahil kasama nito ang anumang naanod, mga bahay, sasakyan man o tao.
01:49Ayon sa FIVOX, ang Philippine Trench lang na nasa Eastern Seaboard ng Visayas at Mindanao
01:54ang pwedeng magdulot ng ganito kalakas na lindor na mauuwi sa tsunami.
01:58At kung mangyari ito, may dalawa hanggang labing limang minuto lang
02:01para palikasin ang mga nasabay bayin sa silangang bahagi ng bansa bago tumama ang tsunami.
02:06In the Philippines po kasi, pag nandito lang nangyari sa bakura natin o within Philippines,
02:12it takes only two minutes. Maswerte na po yung mga bayan na may 15 minutes.
02:17Babala ng FIVOX, bago ang tsunami, posibleng makaramdam ng lindol.
02:21Kakaibang pagbaba ng level ng dagat at dumadagundong na tunog ng paparating na alon.
02:27Dagdag pa nila, oras na makaramdam ng lindol, umalis sa mabababang coastal area.
02:32Agad lumikas kung mapansing, biglang bumaba ang level ng dagat.
02:36Huwag din anilang pupunta sa beach para mag-abang ng tsunami.
02:40At kapag natatanaw ng alon,
02:41ibig sabihin, masyado ng malapit ang isang tao para makaligtas.
02:46Ito ang unang balita.
02:48Pia Arcangel para sa GMA Integrated News.
02:51Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:54Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments