Skip to playerSkip to main content
Umiiral na raw sa mahigit 80 DOH hospitals sa buong bansa ang Zero Balance Billing na ibinida ng pangulo sa kaniyang SONA. Pero sino nga lang ba ang sakop nito at paano ito ma-a-avail? Alamin sa report ni Vonne Aquino.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Umiilal na rao sa mayigit 80 DOH hospitals sa buong bansa
00:04ang zero balance billing na ibinida ng Pangulo sa kanyang zona.
00:08Pero sino nga lang ba ang sakop nito at paano ito ma-avail?
00:13Alamin sa report ni Vona Quino.
00:19221,342.64 ang hospital bill ng anak ni Zenaida Furio
00:26na nakonfine ng 19 days sa basic ward ng East Avenue Medical Center
00:30matapos sumailalim sa procedure at biopsy.
00:34Palabas na sila kanina ng ospital
00:35at laking gulat niya nang makitang wala silang babayaran ni Sinko.
00:40Okay na po. May babayaran po ba kayo?
00:46Wala na po.
00:49Salamat dito sa mga tulong na inanap sa akin
00:54dahil kundi sa tulong ng mga dito
00:57hindi ko mapapagamot yung anak ko.
01:0182,488.29 centavos naman ang hospital bill
01:06ng anak ni Nila Abesilia na inoperahan at kalahating buwanding na confined.
01:11Wala rin silang babayaran.
01:13Salamat sa Diyos.
01:15Naayos na po kaagad.
01:16Kumbaga malaking kabawasan po kasi tulad ko wala po akong hanap buhay.
01:20Ano nga ba ang zero balance billing na ibinida ng Pangulo sa kanyang Sona?
01:25At sino ang mga pwedeng makinabang dito?
01:28Ito ay PhilHealth program na itinatagunod o isinusulong
01:33na bawat PhilHealth member ay wala na silang babayaran
01:36provided they are admitted in the basic ward accommodation
01:40ng isang government hospital.
01:42Kung hindi naman membro, kailangan lang mag-fill out ng PhilHealth forms.
01:47Pumunta sa medical social worker para ma-interview
01:50at ma-enroll sa point of service PhilHealth enrollment.
01:54Pag may hawak ng doctor's discharge clearance,
01:57pumunta sa PhilHealth desk para macheck ang mga dokumento.
02:00Kung kompleto na, pumunta sa billing para sa computation ng total bill.
02:04Pagpasok pa lang dito, naayos ko na.
02:07Kaya pagdabas, mabilis na lang.
02:11Si Janeline D'Ocampo na anak ng isa pang pasyente na bilisan sa proseso.
02:16Nagkaroon lang kasi talaga kami ng problema sa apelido.
02:19Doon lang po kami nagtagal.
02:20Pero yung process po nilo, mabilis naman po.
02:24Ayon sa Medical Social Work Department,
02:26ang East Avenue Medical Center.
02:28Kapag pasok naman sa zero balance billing ang pasyente,
02:30mainam na ayusin na kaagad ang kanyang mga PhilHealth documents
02:34at ipaverify ito rito para mas mabilis na yung proseso
02:37kapag i-di-discharge na ang pasyente.
02:39Sa East Avenue Medical Center,
02:42wala rin daw binabayaran ang mga pasyente sa outpatient department at emergency room.
02:47Ayon sa DOH, umiira lang zero balance billing sa 87 hospitals sa buong bansa.
02:52Sagot ng PhilHealth at DOH ang pondo para rito.
02:58Hindi kasama sa zero balance billing ang mga hospital na
03:00Government-Owned and Controlled Corporation o GOCC.
03:04Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:09Magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:12Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Comments

Recommended