Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 30, 2025


- Ilang magulang, pabor na magkaroon ng makeup classes ang mga estudyante | DepEd: Depende sa mga eskuwelahan kung mag-e-extend ng oras sa weekday o gagawin ang makeup classes tuwing Sabado


- Senate Pres. Escudero, tinawag na demolition job ang alegasyon na may isiningit umano siyang mahigit P142B sa 2025 national budget | Escudero: Nanggagaling ang mga paninira sa Kamara; sagot ng Kamara: "Bakit kami?" | Escudero: Hindi puwedeng walang baguhin sa isinumiteng budget | House Speaker Romualdez: We will open the bicam conference to civil society observers


- Senate Pres. Escudero: tatalakayin sa plenaryo ang impeachment vs. VP Sara Duterte; hindi na kailangang mag-convene bilang impeachment court | Sen. Sotto: Puwedeng talakayin ng Senado ang impeachment ni VP Duterte sa August 6 | Giit ng Kamara: Puwede pang iapela ang desisyon ng SC na unconstitutional ang impeachment complaint vs. VP Duterte | Defense team, handa raw kahit sampahan muli ng impeachment complaint si VP Duterte


- DPWH: Listahan ng flood control projects, maisusumite sa Pangulo hanggang sa susunod na lingo


- DMW, nakatutok sa agarang pagpapauwi sa 9 na tripulanteng Pinoy ng MV Eternity C na nasa Yemen


- 12 pulis na isinasangkot sa pagkawala ng mga sabungero, sinampahan ng mga kasong administratibo ng NAPOLCOM | NAPOLCOM: May 2 grupo na nagtatangkang mag-impluwensiya sa imbestigasyon sa missing sabungeros case | DOJ: Isa pang testigo na may hawak na ebidensya at hindi lang testimonya, nakatakdang lumantad


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Music
00:00Plano ng Department of Education na magkaroon ng make-up classes para mabawi ang mga nawalang araw dahil sa masamang panahon noong nakaraang linggo.
00:19Fabor kaya ang mga magulang restudyante live mula sa Quezon City. May unang balita, James Agustin.
00:26James, anong nangibabaw?
00:30Maris, good morning. Fabor naman yung mga nakausap ko ng mga magulang at estudyante dito po yan sa Piñan Elementary School kung magkakaroon ng make-up classes.
00:41Pero ang hiling nila, sana raman daw ay huwag itong gawin tuwing weekend.
00:48Dahil sa mga nagdaang bagyo at habag at apat na araw na walang pasok ang mga estudyante sa Quezon City noong nakaraang linggo.
00:54Kaya para sa grade 4 student na si Richman Aysol at kanyang nanay ni si Robitesa, pabor silang magkaroon ng make-up classes.
01:02Kung para sa pangkalahatan, oo kasi syempre maraming na-miss na lessons yung mga bata because of the suspensions.
01:11Kaya okay naman po.
01:14Okay naman po, para mas madami ako matutunan.
01:18Ganyan din ang tingin na mag-inang Apol at Joseph.
01:21Pabor po ako.
01:23Para mapunan po yung mga araw na hindi po nila napasukan.
01:27Kasi para matuto.
01:29Ang ilang magulang pabor din sa make-up classes.
01:31Pero hiling nila, huwag sana itong gawin tuwing weekend.
01:34Okay lang naman, kahawawad lang doing Saturday.
01:37Haka, ang nga lahang, i-extend na lang yung class.
01:41After, kung maglaba gumabihay, i-extend na lang.
01:44Bakit po ayaw nyo na Sabad?
01:46Siyempre, pahinga nga nga mga bata, haka nga teacher yun eh.
01:50Mag-extend na lang siguro ng 2 hours para sa make-up class.
01:56Kasi syempre, diba, sa mga na-miss nila na klase,
01:59huwag lang isakupin yung Sabad at Linggo.
02:02So, syempre, pahinga na nila yun tsaka family day.
02:05Ang Department of Education,
02:07pinaplano na magkaroon ng make-up classes sa mga estudyante
02:09dahil naapektuhan ng class suspension sa academic calendar.
02:13Sabi ni Deped Sekretary Sani Angara,
02:15depende sa eskwelahan kung mag-i-extend ng oras sa weekday
02:18o gagawin ng make-up class tuwing Sabado.
02:26Samatala, Maris, nakatakda maglabas ng guidelines,
02:28detalyad ng guidelines ng Department of Education.
02:30Kaugnay dyan sa isa sa gawa ng make-up classes.
02:33At bago tayo umere,
02:34nakausap ko yung principal nitong Piñan Elementary School
02:37na si Dr. Michael Nazaret.
02:39At sinasabi nila na
02:40handa naman silang sumunod
02:42dun sa ilalabas na guidelines na yan
02:43ng Deped.
02:45At magkakaroon din daw sila ng konsultasyon
02:46sa mga magulang kaugnay nitong make-up classes.
02:49Yan ang unang balita.
02:50Mula rito sa Quezon City.
02:51Opo si James Agustin
02:52para sa Gem Integrated News.
02:54Pinawag ni Sen. President
02:56si Sa Escudero
02:56na paninira ang mga akusasyon
02:58na may isiningit umano siyang
02:59142 billion pesos na pondo
03:02para sa flood control projects
03:03at iba pang infrastruktura
03:06sa 2025 national budget.
03:09Galing daw ito sa kamera
03:10ayong kay Escudero.
03:11Sagot naman ng kamera,
03:13bakit kami?
03:14Kaya unang balita
03:15si Bob Gonzales.
03:20Isang demolition job,
03:22ganyan tinawag ni
03:23Sen. President
03:24Cheese Escudero
03:25ang lumabas na ulat
03:26sa isang website
03:27na mayroon daw siyang
03:28isiningit sa 2025 budget
03:30na mahigit 142 billion pesos
03:32na flood control projects
03:34at iba pang infrastruktura.
03:36150 billion?
03:38No, of course not.
03:39Dun sa kahit
03:39sa Sorsogon.
03:42Sa Sorsogon?
03:43Nag ano?
03:43Kung meron din po kayo
03:45mga changes.
03:459 billion, no.
03:47May changes sa Sorsogon?
03:48Yes, pero hindi 9 billion.
03:50Hindi porkit Sorsogon
03:51akin yun.
03:53Hindi porkit Bulacan
03:55kay Sen. Villanueva yun.
03:57Hindi porkit Tegadon
03:58ng isang mambabatas
03:59eh lahat na ng pondoron
04:01ay sa kanya.
04:02Ulitin ko,
04:03sino bang nagsabi niyan?
04:04That is a mere insinuation.
04:07Again, bahagi
04:08ng ika nga
04:10PR job,
04:11PR campaign.
04:12So,
04:13hindi automatic yun.
04:14Anya,
04:15malino na paninira daw ito
04:16na inilabas
04:17bago magbotohan
04:18para sa Senate President
04:19ng 20th Congress.
04:21Gaya raw ng alegasyon
04:22na pinuntahan niya
04:23si House Speaker Martin Romualde
04:24sa Kamara
04:25para siguruhing
04:26na isama sa budget
04:27by cam
04:28ang mga insertion niya.
04:29Malamang galing din sa kanila yan
04:30dahil ang paninira
04:31na na-trace naming paninira
04:33laban sa amin
04:33ay nanggagaling din sa Kamara.
04:35Hindi nga lang siguro
04:36dalawang behes ako bumisita
04:37pero hindi sa tanggapan
04:38ni Speaker Romualdez.
04:40Sa tanggapan kung saan,
04:41sa opisina kung saan
04:43isinasagawa ang by cam.
04:45So,
04:45bawal na rin magpunta
04:46at gawin ng trabaho
04:47bilang by cam member?
04:50Bawal bilang Senate President
04:51tingnan kung ayos
04:52yung staff
04:54na gumagawa ng by cam.
04:56May insinuation.
04:57Sagot ng Kamara.
04:58Bakit kami?
04:59Ba't kami mo may kasalanan?
05:01Bakit pag may mga
05:02criticism sa kanya
05:03eh tinataasan niya
05:04ng kilay
05:05ang House of Representatives?
05:06Siguro yung tanong
05:08bakit nga siya
05:08nandito eh
05:10kung tungkol yan
05:11sa by cam
05:12kasi ang speaker
05:14hindi naman po
05:15nakialam
05:15sa by cam ng budget.
05:17Mahirap din daw
05:18ang gusto ni Pangulong
05:19Bongbong Marcos
05:20na hindi niya papayagan
05:21ang budget
05:21na hindi alinsunod
05:23sa National Expenditure
05:24Program ng Pamahalaan.
05:25Hindi naman nga
05:26pwedeng walang baguhin.
05:28Again,
05:28Congress has the power
05:29of the purse.
05:31No NEP is perfect.
05:33But as long as
05:34it is based on discussions
05:35made openly
05:36with transparency
05:38and accountability
05:39wala akong nakikitang problema.
05:41Kalihim mismo ng Pangulo
05:42ay humihiling sa Kongreso
05:44ng dagdag o pagbabago
05:45sa kanika nilang budget.
05:47So siguro
05:47kung may ganyang uri
05:49ng kautosan ng Pangulo
05:50dapat pagsabihan din niya
05:52yung kanyang mga kalihim
05:53na kapag kami
05:54sinuminta ng budget
05:55ang DBM
05:56para sa kanilang departamento
05:58huwag na silang humirit pa.
06:00Mas alam din
06:01Ania na mga kongresista
06:03ang pangangailangan
06:03sa baba
06:04dahil sila
06:05ang ibinotong
06:05representante
06:06ng taong bayan.
06:08Pero para mas maging
06:09transparent ang proseso
06:10imumungkahi raw ni Escudero
06:12na buksan
06:12ang bicameral conference
06:13committee
06:14at maglabas
06:15ang listahan
06:15ng mga pinabago
06:16ng bawat senador.
06:18Si House Speaker
06:19Martin Romualdez
06:20binuksan na
06:20ang kanilang proseso
06:21sa publiko.
06:22We will open
06:23the bicameral conference
06:25to civil society observers.
06:30Following the President's lead
06:31this is indeed
06:32a historic first
06:34because transparency
06:35is not just a value
06:37it is a weapon
06:38against corruption.
06:40Naghain na rin
06:41ng joint resolution
06:42na ang ilang senador
06:43para buksan sa publiko
06:44at i-livestream
06:45ang mga deliberasyon
06:46ng budget bicameral
06:47conference committee
06:48supportado ito
06:49ng Ehekutibo
06:50at ng Kamara
06:51dahil nauna na rin
06:52naman daw nila
06:53itong iminungkahi noon.
06:54Ito ang unang balita.
06:56Mav Gonzalez
06:57para sa GMA Integrated News.
07:08Plano ang mga senador
07:09na sa susunod na linggo
07:10talakayan sa plenaryo
07:11ang impeachment
07:12ni Vice President
07:13Sara Duterte
07:14para mapag-aralan pa
07:15ang desisyon
07:16ng Korte Suprema
07:17na nagsasabing
07:17unconstitutional ito.
07:19Gate naman ang Kamara
07:20hindi pa final
07:21ang desisyon
07:22ng Supreme Court
07:23sa impeachment
07:24at iaapilan nila ito.
07:26Ngayon ang balita
07:26si Mav Gonzalez.
07:27Para kay Senate
07:32President
07:33Cheese Escudero
07:34hindi na kailangang
07:35mag-convene ulit
07:36ang Senate
07:36Impeachment Court
07:37para desisyonan
07:38ang sunod na aksyon
07:39ngayong
07:39idineklara
07:40ng unconstitutional
07:41ng Korte Suprema
07:42ang impeachment
07:43ni Vice President
07:44Sara Duterte.
07:45The impeachment
07:46complaint
07:47is void
07:48is null
07:49and void
07:50ab initio
07:51ab initio
07:52meaning from the beginning
07:53nakasaad din
07:54sa desisyon
07:55ng Korte Suprema
07:56sangayon ka man doon
07:58o hindi
07:58dapat ito isundin.
08:01Kung hindi
08:01magkakaroon tayo
08:03ng constitutional crisis.
08:04Mainam-ani
08:05ang desisyonan ito
08:06ng Senado sa plenaryo
08:07imbis na aksyonan
08:08bilang impeachment court
08:10na wala na-ani
08:10ang jurisdiction dito.
08:12Personal ko ding
08:13opinion nito
08:14pero ang masusunod
08:15dito ay ang mayuriya.
08:16Mas safe
08:17na Senado
08:19ang magpapasya
08:20kaugnay nito
08:20imbis na impeachment court
08:22dahil baka matingnan pa
08:24na paglabag
08:25ang pag-convene
08:27ng impeachment court
08:27matapos
08:28ang naging desisyon
08:29ng Korte Suprema.
08:30Sa caucus
08:31o private meeting
08:32bago ang sesyon
08:33kabilang sa pinag-usapan
08:34ng impeachment.
08:35Ayon kay Senador
08:36Meg Subiri
08:37may Senador
08:37pang balak
08:38sanang hilinging
08:39idismiss
08:39ang impeachment case
08:40laban sa vice.
08:41Hindi ko na sasabihin
08:42no plenaryo.
08:43Pero sa huli
08:52pumayag itong
08:52huwag muna
08:53i-dismiss ang kaso
08:54at magtakda
08:55ng pecha
08:55para pag-usapan nito.
08:56Sabi ni Escudero,
09:22dalawang bagay
09:23ang titignan
09:23ng mga Senador.
09:24Unanimous ang desisyon
09:26ng Korte Suprema
09:27at immediately
09:28executory ito.
09:29Pero pagdidiin ang kamera
09:30pwede pa nila
09:31itong i-appela.
09:32The decision is not yet final.
09:34The House
09:35will file
09:36a motion
09:36for reconsideration
09:37and
09:39until such time
09:41it is still
09:42up to the Senate
09:42to
09:43perform
09:45their duties
09:45as mandated
09:46by the Constitution.
09:47We are hopeful
09:48na maari pa po
09:49mabago
09:49ang
09:50desisyon
09:51ng Supreme Court
09:52kung kung dito.
09:53Ano't anuman,
09:54handa ang kampo
09:54ng vice
09:55kahit ihain ulit
09:56ang impeachment
09:56complaint
09:57pagtapos na
09:58ang one-year
09:58bar rule
09:59sa February
09:592026.
10:00Ito ang unang balita.
10:03Mav Gonzalez
10:03para sa GMA Integrated News.
10:07Hanggang sa susunod na linggo
10:09rong may susumite
10:09ng Department of Public Works
10:11and Highways
10:11ang listahan
10:12ng flood control project
10:13sa bansa
10:13sa nakaraang tatlong taon.
10:16Sabi ni DPWA
10:17Secretary Manuel Bunuan,
10:18tutukoy sa listahan na ito
10:19kung alin ang tapos na,
10:21alin ang napinsala
10:22at alin ang mga ghost project lang.
10:25Isa sa publiko rin daw ito.
10:26Dagdag ni Bunuan,
10:27may mga naantalang proyekto
10:28dahil nabawasan ang pondo
10:30para rito.
10:31Isa raw sa mga problema
10:32ng DPWH
10:33ang mga programang
10:34hindi dumaan
10:35sa National Expenditure Program
10:36na dahilan kung bakit
10:37nababawasan
10:38ang pondo
10:39para sa ilan nilang proyekto.
10:43Maraming dagdag nga.
10:44Yan ang sinasabi
10:45ng Presidente.
10:46Maraming dagdag.
10:47To the detriment
10:48of the program
10:49of the President.
10:51Hindi dumaan sa amin
10:52for betting
10:53or for preparation.
10:54So,
10:55Nakakatutok
11:06ang Department of Migrant Workers
11:07agarang pagpapauwi
11:09sa siyem na tripulanting Pinoy
11:10na hawak ng grupong Houthi
11:11sa Yemen.
11:12Kabilang sila
11:13sa mga sakay
11:13ng barkong MV Eternity C
11:15na inatake
11:16at pinalubog
11:17sa Red Sea.
11:18Ayon sa DMW,
11:19ligtas ang siyem na Pinoy
11:21at nasa kabisera
11:22ng Yemen.
11:23Nakikipagugnay
11:24narawang ahensya
11:24sa Department of Foreign Affairs
11:26at sa iba pang bansa
11:27na may akses sa huli.
11:29Una nang nasagip
11:30mula sa Eternity C
11:31ang walong tripulanting Pinoy
11:33at nakauwi na sila
11:34sa bansa
11:34nitong Hulyo.
11:36Apat na Pinoy naman
11:36ang unaccounted for.
11:38Ayon sa DMW,
11:39tatlo
11:40ang naiulat na nasawi
11:41at patuloy nila
11:42itong bineberipika.
11:43Iniibisigahan din
11:44ang posibleng pananagutan
11:45ng may-ari
11:46ng MV Eternity C
11:48ang local manning agency
11:49nito sa Pilipinas
11:50at maging kapitan ng barko
11:52na isang Pinoy.
11:54Lumalabas daw kasing
11:54ilang beses
11:55dumaan sa ilang bahagi
11:56ng Red Sea
11:56ang Eternity C
11:58na dati nang pinaiiwasan
11:59dahil sa posibilidad
12:01ng pag-atake.
12:05Ebidensya
12:05at hindi lang daw
12:06basta testimonya
12:07ang hawak
12:08ng isa pang testigo
12:09sa pagkawala
12:09ng mga sabongero
12:10ayon sa Department of Justice.
12:12Naharap naman
12:13sa mga kasong administratibo
12:14ang labindalawang polis
12:16na isnasangkot din
12:17sa kaso.
12:18May unang balita
12:18sa Emil Sumangil.
12:23Labing limang araw
12:24makaraang maghain
12:25ng administrative complaint
12:27ang whistleblower
12:28na si Dondon Patidongan
12:29alias Totoy
12:30at labing pitong kamag-anak
12:32ng mga nawawalang sabongero.
12:34Formal ng kinasuhan
12:35ng National Police Commission
12:36on Applecom
12:37sa kanilang legal service
12:39ang labing dalawang polis
12:40na isinasangkot ni Patidongan
12:42sa kaso
12:43ng mga missing sabongero.
12:46Grave misconduct,
12:47grave neglect of duty
12:49at conduct unbecoming
12:50of a police officer
12:51ang ikinaso
12:52laban kay Police Colonel
12:54Jacinto Malinaw Jr.
12:56Hiwalay na kaso naman
12:58ng 6 na counts
12:59ng grave misconduct
13:00at conduct unbecoming
13:01of a police officer
13:02ang ikinaso
13:04laban kay na Police Lieutenant Colonel
13:06Ryan J. Orapa,
13:08Police Major
13:08Mark Philip Almedilla
13:10at siyam na iba pang polis.
13:12They will be given time
13:13to file their answers
13:15after which magkakaroon
13:18ng hearings dito.
13:20Kung kinakailangan,
13:21magka-file sila
13:22ng kanilang proper pleadings
13:24or position papers.
13:25I'm not prejudging the case
13:26but since these are grave offenses,
13:30ang lowest penalty
13:31for a grave offense
13:32is suspension.
13:33Ang middle penalty
13:34for grave offenses
13:35ay demotion
13:37at ang pinahamalupit
13:39na parusa
13:40para sa grave offenses
13:41ay dismissal
13:43from the police service
13:44and of course
13:44for the future
13:45of all benefits.
13:46Sinusubukan ng GMA
13:47Integrated News
13:48na makuha
13:49ang kanilang panig.
13:50Nagsadya kami
13:51sa Cab Crame Headquarters
13:52Support Service
13:52kung saan sinasabing
13:53nakakostody
13:54ang mga kinasuhang polis
13:56pero wala kaming nakausap.
13:58Nakipagugnayan din kami
13:59sa PNP Public Information Office
14:01para makuha
14:02ang abugado
14:03ng mga kinasuhan
14:03pero wala pa silang
14:05tugon sa amin.
14:06Bukas,
14:07ang GMA Integrated News
14:08sa reaksyon
14:09ng mga polis
14:10na sangkot.
14:11Ang kaanak
14:11ng mga nawawala
14:12ikinatua
14:13ang pagsasampan
14:14ng reklamong administratibo
14:16laban sa mga itinuturong polis.
14:19Lalo ro silang
14:20nabuhayan ng loob
14:21nang mabanggit pa
14:22ni Pangulong Bongbong Marcos
14:23sa kanyang zona
14:24ang kasong ito.
14:25Hahabulin
14:26at pananagutin natin
14:27ang mga utak
14:28at mga sangkot
14:29si Billion Man
14:30Opsyal.
14:31Nagpapasalamat po kami
14:32sa presidente
14:33na nabanggit niya
14:34sa zona
14:35na hindi niya
14:36lulubayan
14:36yung samisin
14:37sa bongero.
14:38Sana nga po
14:38inintayin namin
14:39makasuhan
14:39talaga pong
14:40ang mastermind.
14:41Ayon kay attorney
14:42Rafael Vicente
14:44Kalinisan ng Napolcom
14:45tuloy ang investigasyon
14:47para sa iba pang
14:47maaring sangkot
14:48sa kaso.
14:49Isiniwalat din niyang
14:50may mga gumagapang
14:51umano
14:52para impluensyaan
14:53ang kanilang
14:54investigasyon.
14:55There are two groups.
14:56Yung una
14:57isang bossing
14:59ng sabong.
15:00Doon sa
15:00pangalawang grupo
15:02tinawagan yung
15:03isang very very
15:05close sa akin.
15:05Ano sa tingin nyo
15:06nababayaran kami dito?
15:08Hindi kami nababayaran dito.
15:09Sa pulong naman
15:10ni Justice Secretary
15:11Jesus Crispin Rebulia
15:12at PNP Chief General
15:14Nicolas Torre III
15:15na pag-usapan
15:17ng paglutang
15:17ng isa pang testigo
15:18na magpapatibay
15:19sa mga pakayag
15:21ni Pati Dongan.
15:22Sibilihan,
15:23hindi lang itong
15:23testimonial evidence
15:24may real evidence
15:25na involved dito.
15:26Meron ditong
15:27totoong
15:28ebidensya na
15:29bukod sa kwento,
15:30meron itong sariling
15:31ebidensya pa
15:32na kalakit.
15:34Ito ang unang balita.
15:35Emile Sumagil
15:36para sa
15:37GMA Integrated News.
15:39Kapuso,
15:40huwag magpapahuli
15:41sa latest news and updates.
15:43Mag-iuna ka sa balita
15:44at mag-subscribe
15:45sa YouTube channel
15:46ng GMA Integrated News.
15:47Música
15:48Música
15:48Música
15:56Música
Be the first to comment
Add your comment

Recommended