00:00Nilinaw ng Department of Health na sa ward ng mga ospital na pinatatakbo nila ipetutupad ang zero balance billing na binanggit sa zona ng Pangulo kahapon.
00:10Saan nga ba kukunin ang pondo kapag lumobo ang bilang ng mga pasyente sa mga ospital na ito?
00:15Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:20Ito ang isa sa mga pinalakpakang pahayag ni Pangulong Bongbog Marcos sa kanyang State of the Nation Address kahapon.
00:26Wala nang babayaran ang pasyente dahil bayad na ang bill ninyo.
00:34Zero balance billing sa mga ospital na pinatatakbo ng Department of Health.
00:39Manaking tulong para sa mga kailangan ng atensyong medikal pero kapos sa budget.
00:43Ngayong araw may mga puntong nilinaw ang DOH.
00:46Una, ipinatutupad lang ito sa 87 ospital na nasa ilalim ng DOH.
00:52Kabilang ang San Lazaro Hospital sa Maynila, East Avenue Medical Center sa Quezon City,
00:58Vicente Soto Memorial Medical Center sa Cebu City, at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
01:05Ikalawa, para ito sa basic accommodation o yung tinatawag na ward sa mga DOH hospital.
01:11Basta huwag lang kayo nasa private. Kasi pag nagpunta ka sa private, may bayad yung doktor, may bayad yung room.
01:18Basta nasa basic accommodation ka ng DOH, bayad na bill mo.
01:22Mayo pa lang daw ay pinatutupad na ito.
01:25Ang no-balance billing, essentially, it's a field health coverage for all our patients for government hospitals.
01:33We ask for the field health membership. So, one, we ask for the ID. Then, if the patient cannot provide the ID, meaning baka hindi siya member,
01:46the hospital will facilitate for the enrollment of the patient to the PHIC or field health.
01:54Wala na ito yung guarantee letter required from the patients.
01:58Hindi naman kasama ang zero balance billing sa mga ospital na government-owned and controlled corporation.
02:04Ito ang Philippine Heart Center, Lung Center, National Kidney and Transplant Institute, at Philippine Children's Medical Center.
02:11Yung GOCC kasi, it has more private rooms than the basic accommodation.
02:18Kasi yung GOCC, they earn income and then it subsidizes the ward accommodation.
02:24Pero pag na-admit ka sa, meron kaming mga packages doon, yung mga benefit packages na,
02:30like for example sa heart, yung PCI package, na kukover nila na wala nang babayaran yung patient.
02:38Aminado ang DOH, billion-billion ang podong kailangan lalo't inaasahang lulobo na ngaabot sa 20% ang pasyente sa mga DOH hospital.
02:47Pero hindi naman daw duduguin sa gastos ang gobyerno.
02:50Lahat member eh. So lahat babayaran ng PhilHealth yung case rate niya.
02:55So may konting recovery. So it will become like a revolving fund.
02:59So ang tingin namin, sustainable.
03:01Ang key dito, magkano every year ang ibibigay ng government sa budget namin.
03:08Ang kondo para malibre sa hospital billing ang ating mga kababayan,
03:12kukunin sa PhilHealth at DOH.
03:14Sakaling may procedure na kailangan gawin at hindi kasama sa coverage ng PhilHealth,
03:20doon daw papasok ang ibang pondo,
03:22gaya ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients,
03:27Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO,
03:30at Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGPOR.
03:33Sasagutin din ang gobyerno ang mga gamot habang nakakonfine ang pasyente.
03:38Babayaran na lang ng government yung gastos sa gamot mo while you're in the hospital.
03:42May mga gamot na hindi namin nabibili sa Department of Health and Hospital.
03:47Ito yung mga gamot na wala sa Philippine National Drug Formulary.
03:50For the PhilHealth, it's 100% coverage.
03:55That includes the minimum care provided at the hospital,
03:59also yung sa hospital service, the bed, the drugs, and medicines, and all other hospital services.
04:13Pagdating naman sa paggamit ng hospital equipment na isa rin sa pinagkakagastusan ng pasyente,
04:19sinabi ni Herbosa na may sapat na kagamitan ang mga DOH hospital.
04:23Hindi malinaw kung magkano ang nakalaan para sa programang ito sa panukalang National Expenditure Program para sa 2026.
04:32Pero ayon sa tagapagsalitan ng DOH,
04:34Sumatotal, itataas ng Pangulo yung tinatawag na MOOE, Maintenance and Other Operating Expenses,
04:43ng ating mga DOH hospital. So, hindi ito drawing lang.
04:46Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
04:51Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:55Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments