00:00Una sa ating mga balita, all set na ang lahat para sa ikaapat na pag-uulat sa bayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:07Sa video na ibinahagi ng Pangulo sa kanyang social media, makikita na nagkaroon ng dry run ang punong ehekutibo sa kanyang talumpati para sa inaabangang aktividad.
00:19Sinabi ng Pangulo na handa na ang lahat para maihatida ang mensahe para sa bagong Pilipinas.
00:24Una ng sinabi ng palasyo na ang Pangulo ang mismong naghanda ng kanyang mga iuulat sa kanyang ikaapat na zona kung saan inaasahan na ire-report ng Pangulo ang kasalukuyang estado ng bansa,
00:37kung ano ang mga napagtagumpayan ng administrasyon sa nakalipas na isang taon at kung ano pa ang mga hakbang na gagawin ito sa kanyang panunungkulan.