00:00Magpapatupad ang MMDA ng counterflow scheme o traffic scheme o zipper lane sa ilang bahagi ng Commonwealth Avenue ngayong araw
00:07para magbigay daan sa ilang ahensya ng pamalan at mga bisitang dadalo sa ika-apat na State of the Nation address
00:13ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
00:19Batay sa inilabas na traffic advisory ng MMDA, pinayuan ng mga motorista na humanap ng mga alternatibong daanan
00:25upang maiwasan ang mabigat na trafiko sa kahabaan ng Commonwealth at IBP Road.
00:31Sa mga motoristang pa-northbound na manggagaling sa Quezon Memorial Circle na papuntang Fairview,
00:36inaabasuan na dumaan sa North Avenue, kumanan sa Mindanao Avenue at kumanan ulit sa Uyo Road o kaya naman ay dumaan sa Quirino Highway.
00:44Sa mga pa-southbound naman mula sa Fairview papuntang circle, pinapayuan ng mga motoristang dumaan din sa parehong ruta.
00:49May ikita ang iba pang alternate route sa advisory na ito para sa mga kalsadang tumatagos din sa Commonwealth Avenue.
00:57Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, higit isang libong tauan nila ang ipinakalat para alamin,
01:02bantayan at alalayan ng mga trapiko sa lugar.