Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unanimous ang desisyon ng Korte Suprema sa pagsasabing unconstitutional ang ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Punto ng korte, nilabag ng reklamo ang one year bar rule, pati na ang karapatan ng bise sa due process.
May report si Saleema Refran.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Unanimous
00:30Sa botong 13-0, idineklara ng Korte Suprema na null and void ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:39Nilalabag daw kasi nito ang one-year bar rule ng 1987 Constitution.
00:43Hindi daw kasi inaksyonan ng Kamara ang tatlong naon ng impeachment complaint na maituturing na terminated o dismissed ng i-archive ito at mag-adjourn ng 19th Congress.
01:00Sa isang opisyal sa loob ng isang taon, December 2, 2024, nang inendorso ang unang impeachment complaint, December 4 naman ang ikalawa, at December 19 ang ikatlo.
01:12Pero hindi na gumalawa mga ito hanggang sa umarangkado sa plenaryo ang fourth complaint noong February 5, 2025 kung kailan din na-impeach ang Vice.
01:30And although Congress was able to include it in the order of business, it did not refer it to the proper committee within the three days because they had to adjourn.
01:41So the Supreme Court said that they archived it and as a result it was terminated, therefore deemed dismissed.
01:50So the one-year ban will start or count from the time it was dismissed.
01:57So the fourth complaint could not have validly been transmitted to the Senate.
02:03Nilabag din daw ng fourth impeachment complaint ang right-to-due process ng Vice.
02:08Punto ng Korte, dapat pinamahagi sa lahat ng kongresista ang mga ebedensyang sumusuporta sa articles of impeachment.
02:14At dapat nabigyan sila ng sapat na panahon para makapagpa siya kung susuportahan ito o hindi.
02:21Dapat din sapat ang ebedensya para patunayan ang mga aligasyon.
02:25At dapat bigyan ang pagkakataon ng akusado na maipahayag ang kanyang panig bago i-transmit sa Senado ang reklamo.
02:32Due process or fairness applies during all stages of the impeachment process.
02:38Pero paglilino ng Korte, hindi nito inaabswelto ang visa sa mga reklamo laban sa kanya.
02:44Ang Kamara, gagawin daw ang lahat ng remedyo para protektahan ang kanilang mandato.
02:50Sabi ni House Spokesperson Attorney Princess Avante,
02:53ang House of Representatives ang tanging may kapangyarihan para magsimula ng impeachment.
02:58Kung papayagan daw ang pangihimasok ng hudikatura sa pagsisimula ng impeachment process,
03:04nalalagay anya sa alangani ng prinsipyo ng checks and balances.
03:08Hakbang na politikal na nakaugat sa people's will anya ang impeachment.
03:13Hindi raw dapat ito patahimikin ng anumang teknikalidad.
03:18Hindi pa raw nila natatanggap ang kopya ng desisyon ng Korte Suprema.
03:22Pero pag-aaralan nila ito, oras na makuha nila ito.
03:26Reaksyon naman ang defense team ni Duterte.
03:28Ang desisyon ng Korte ay pagpapatibay sa dati na nilang iginiit na nakakala sa konstitusyon
03:34ang ikaapat na impeachment complaint.
03:36Pinatitibayan nila nito ang proteksyon ng saligang batas laban sa pag-abuso sa impeachment process.
03:43Nananatili naman ang nilang handa ang defense team para sagutin ng mga aligasyon sa tamang oras at lugar.
03:50Para sa Senate Impeachment Court, pinagtibay ng desisyon ng Korte Suprema ang nauna nilang paninindigan
03:56na dapat munang linawi ng Articles of Impeachment bago simula ng impeachment trial.
04:01Ayon sa tagapagsalita ng Senate Impeachment Court, kinikilala ng desisyon ng Korte Suprema
04:07ang anilay pag-iingat ng Senate Majority sa pagkilala sa legal uncertainties noong simula pa lang.
04:14Ang Malacanang nanawagang igalang ang desisyon ng Supreme Court at ilanang tiwala sa ating institusyon.
04:21The impeachment process is a matter handled by the legislative and judicial branches
04:27and we recognize their independence in carrying out their constitutional mandates.
04:33Naniniwala naman si dating Supreme Court Associate Justice Adolfo Ascuna na hindi na matutuloy ang impeachment trial.
04:40Well, that means that the articles is invalidated and the Senate has no jurisdiction over it.
04:50Hindi po matutuloy yung trial.
04:52Sa lima refran, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:10Sa lima refran, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended