00:00Patuloy na nararamdaman ang epekto ng habagat at magkakasunod na bagyo sa bansa.
00:05Sa ngayon ay lubog pa rin sa baha ang ilang lugar dahil sa walang patid na pagulan at pagpapakawala ng tubig ng ilang dam.
00:12Nagbabalik si Gav Villegas.
00:16Binisita ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga bayan sa Pampanga na naapektuhan ng pagbaha dahil sa walang tigil na pagulan dulot ng habagat.
00:24Dito ay itinayo ng DOH Philippine Emergency Medical Assistance Team 46 o PEMAT 46 ang Type 1 Fixed Emergency Medical Facility kasunod ng anunsyon ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga na isasara nito ang Domingo B. Flores District Hospital sa Makapebe dahil sa patuloy na pagtaas ng baha.
00:42Sa nasabing medical facility, kumpleto at libre ang mga gamot, konsultasyon, laboratorio at diagnostic services, maging ang admission, surgery at iba pang medical operations sa TEN.
00:52Aabot sa 6 na pamilya o katumbas ng 26 na individual ang nirescue ng mga tauha ng Philippine Coast Guard sa Mamburaw Occidental Mindoro.
01:01Dinala ng Coast Guard ang mga evacuees sa pansamantalang evacuation center sa Mamburaw National High School.
01:07Ilang mga sakahan at kalsada naman sa lawag city sa Ilocos Norte ang lubog sa baha dahil sa ilang araw na walang patid na pagulan.
01:14Dinagdagan pa ng Nia Magat River Integrated Irrigation System ang pinapakawalang tubig mula sa Magat Dam dahil sa walang tigil na pagulan dulot ng bagyong emong at habagat.
01:24Mula sa isang metro kaninang umaga, ginawang dalawang metro ang iniangat sa isang spillway gate kaninang alas 4 ng hapon.
01:31Sa kabuuan, nasa 362 cubic meters per second o mahigit 1,700 na mga dram ng tubig kada segundo ang lumalabas ngayon mula sa dam.
01:40Wala kasing patid ang malakas na pagulan sa watershed nito sa bahagi ng Nueva Vizcaya at Ifugao.
01:45Ayon sa pinakauling datos, malapit na sa 187 meters above sea level ang antas ng tubig na 3 metro na lamang ang layo mula sa normal high water level o critical level nito na 190 meters.
01:58Nag-deklara na ng state of calamity ang lalawigan ng Rizal dahil sa walang tigil na pagulan dulot ng bagyong krising at habagat.
02:05Inaasaan naman na mapapabilis at mapapalawak ng provincial government ang relief operations nito upang matiyak na agad na may paparating ang tulong at suporta sa mga apektadong residente.
02:16Gabo Milde Villegas para sa Pambansang TV sa Pagod Pilipinas.