00:00Matapos dalawang beses na mag-landfall, unti-unti nang humihina ang Bagyong Emong.
00:04Isa na itong severe tropical storm.
00:07Base po sa 11am bulletin na pag-asa, nakataas ang tropical cyclone wind signal number 3
00:11sa northeastern portion ng Ilocos Norte, northern portion ng Apayaw,
00:16at northwestern portion ng mainland Cagayan.
00:19Signal number 2 naman sa natitirang bahagi ng Ilocos Norte,
00:22northern portion ng Ilocos Sur, rest of Apayaw, northern portion ng Abra,
00:27buong Batanes, at northern at western portion ng mainland Cagayan.
00:31Isinailalim sa wind signal number 1 ang nalalabing bahagi ng Ilocos Sur,
00:36northern portion ng La Union, natitirang bahagi ng Abra,
00:39northern portion ng Benguet, buong Kalinga, Mountain Province, Ifugao,
00:44nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, at northern portion ng Isabela.
00:49Namataan po ang Bagyong Emong sa bandang Kalanasan, Apayaw.
00:52Taglay nito ang lakas ng hangin na abot sa 95 kilometers per hour.
00:57Mamayang hapon o gabi, posibleng makarating ang bagyo sa Batanes at Babuyan Islands area.
01:02Umaga bukas, sinasang lalabas na ng PAR ang Bagyong Emong.
Comments