Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nakaka-puso na dito po ako ngayon sa Barangay San Jose dito po sa Navotas, isa sa pinakapektadong barangay dito po sa kanilang lungsod.
00:09Dahil sa patuloy na paghagupit ng habagat at pinalala pa ng high tide dito sa kanilang lugar,
00:19ang resulta po e talagang halos araw-araw mula noong lunes e talagang baha dito sa kanilang lugar.
00:25At kaya naman po e sa nailalim na sa state of calamity ang kanilang lungsod.
00:31Bahari ito sa kanilang lugar dahil sa panibago na naman na pader na gumuho matapos nga po yung malakas na pagragasa ng tubig dun sa ilog, dun sa Malabuan na Botas River.
00:43Kanina po nandun po tayo sa lugar na yon, dun sa may tabi lang nung pader mismo na gumuho.
00:49Pero kinailangan po tayong lumikas dun dahil yung nilagay po nilang mga temporary na mga sandbag na magsisilbing proteksyon para hindi umapaw sana yung tubig ng agad-agad papunta dito sa mga kalsada dito sa lugar,
01:03ay bumigay na rin dahil din po yun sa malakas na pagragasa pa rin ng tubig sa ilog.
01:09Kaya ang resulta, kung makikita ninyo, eh hanggang tuhod ko na po yung baha dito sa kanilang kalsada.
01:18Sa kabila po ng sitwasyon, meron pa rin mga tao, mga residente rito na patuloy na naglalakad sa may baha,
01:26sinusuong yung baha pero halos kakaunti na lamang yung mga motorista na nakita natin dahil syempre baka tumirik po yan.
01:32Karamihan mga pedicab na lang yung sinasakyan ng mga residente rito.
01:36Mahigit 1,800 na individual na po ang nasa mga evacuation center.
01:40Yan po muna ang pinakasariwang sitwasyon mula pa rin dito sa Navotas.
01:45Ako po si Marise Umali, nag-uulat para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended