00:00Aabot sa 21 billion US dollars ang investment pledges
00:03ang bitbit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06mula sa kanyang official visit sa Estados Unidos.
00:10Sa kanyang arrival message, sinabi ng Pangulo na ang mga ito
00:13ay bunga ng serye ng kanyang mga high-level engagement at business meetings
00:18kasama ang mga global executive na kumakatawan sa iba't ibang mga sektor
00:23tulad ng infrastruktura, healthcare, semiconductors,
00:27renewable energy at digital technology.
00:30Dagdag ni Pangulong Marcos Jr., ang mga pangakong pamumuhunan na ito
00:35ay inaasahang lilikha ng libo-libong trabaho para sa mga Pilipino
00:39at magagamit para higit pang mapahusay ang industrial capacity ng bansa,
00:45innovation ecosystem at iba pa.
00:47Nagpahayag din anya ang mga kumpanya ng US ng matinding interes
00:52para sa pagpapalawak ng kanilang operasyon sa Pilipinas.
00:57Tinanggap din ni Pangulong Marcos Jr. ang mga bagong pamumuhunan
01:01sa paggawa ng semiconductors at electronics
01:03na magpapahusay naman sa posisyon ng Pilipinas sa global value chain.
01:09Nagbigay rin ang Amerika ng investment pledge na US$15 million
01:14upang suportahan ang paglago ng pribadong sektor
01:18sa ilalim ng Luzon Economic Corridor Initiative
01:22at nagdag na US$48 million pledge
01:25para naman sa foreign-assisted programs para sa development projects.
01:30Muli naman pinagtibay ng Pangulo ang pangako ng Pilipinas
01:34sa pagpapanatili ng matatag, malinaw at rules-based business environment.