00:00At eto after the award-winning success of Green Bones,
00:04GMA Pictures is paying it forward.
00:07Ang props na ginamit ng mga karakter na PDL sa pelikula
00:10i-denonate sa Manila City Jail.
00:12May unang chika si Athena Imperial.
00:18Para mapakinabangan,
00:20dinonate na ang ilang props ng multi-awarded film na Green Bones
00:23sa isang bagong pasilidad ng Manila City Jail Male Dormitory,
00:27ang Zelda 60.
00:30Isa itong dormitoryo para sa mga senior citizen na Persons Deprived of Liberty o PDL.
00:36Kasama ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP
00:39sa formal na pagbubukas ng pasilidad,
00:42sina veteran actor Leo Martinez,
00:44Green Bones actor Gerard Acao,
00:46at ang concept creator and creative producer ng Green Bones
00:49na si GMA Public Affairs Senior Program Manager Joseph Conrad Rubio.
00:54Sobrang heartwarming na yung props namin ngayon
00:57ay magagamit na ng senior citizens natin dito sa Manila City Jail.
01:01Kasi nanood din sila ng Green Bones,
01:04na-inspire and na-touch dun sa film.
01:06Ito yung mga props ng Green Bones na dinonate dito sa Zelda 60.
01:10Bali, itong tables and benches,
01:13apat na sets ito.
01:15At banda rito naman ay makikita natin yung bunk beds.
01:18So 100 ang capacity nito.
01:20At sa ngayon ay 94 senior citizen PDL
01:23ang makikinabang sa kanila.
01:24Makatutulong din ang mga refurbished furniture
01:27para sa rehabilitative environment ng mga senior citizen.
01:31Sila po ay kinakailangan po natin i-segregate po ng dormitory
01:34upang po mabigyan ng masigit na kailangan nila sa medical attention.
01:39Ito ang unang balita,
01:41Athena Imperial para sa GMA Integrated News.
01:45Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:48Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
01:51at tumutok sa unang balita.
Comments