Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patapos mag-usap din ng Pangulong Bombong Marcos at US President Donald Trump,
00:04binabaan ng 1% point ang taripang ipapataw ng Amerika sa mga produktong inaangkat sa Pilipinas.
00:11Mas mataas pa rin kumpara sa original na 17% tariff na ipinataw noong Abril.
00:17At live mula sa Washington D.C. sa Amerika, may unang balita si Sandra Aguinaldo.
00:22Sandra?
00:22Igan, tama ka no. Matapos nga yung meeting, bumaba yung tariff rate na ipapataw sa mga produkto mula sa Pilipinas papasok dito sa Amerika.
00:36Mula 20% ay nasa 19% na ito. Ibig sabihin nabawasan ng 1%.
00:41Pero ayon na rin kaya President Trump, meron nga ilang mga produkto na pag pumasok naman sa Pilipinas mula sa Amerika,
00:49e zero o wala itong tariff. Kaya natanong si Pangulong Bombong Marcos kung hindi kaya lugi ang Pilipinas sa deal na ito.
01:02Pagdating ni Pangulong Bombong Marcos sa White House ngayong umaga,
01:09sinalubong siya mismo ni US President Donald Trump. Dito natanong si Trump kung ano ang mensahe niya sa Pilipinas.
01:16Sir, your message to the people of the Philippines. You love them.
01:19Do you think you'll get a deal done today, sir?
01:23Matapos nito, nag-meeting na ang mga leader ng Pilipinas at Amerika sa Oval Office,
01:29kasama ang ilang matataas na opisyal ng dalawang bansa.
01:32Matapos ang pulong, agad na nag-post si Trump sa kanyang social media na Truth Social
01:38at sinabing 19% tariff na lang ang ibabayad ng Pilipinas imbes na 20%.
01:43Pero dagdag niya, mag-o-open market ang Pilipinas at zero o walang taripan ang babayaran ng Amerika
01:51sa mga produktong papasok sa Pilipinas.
01:54Kinumpirma naman ni Marcos ang sinabi ni Trump sabay paglilinaw
01:58na hindi naman sa lahat ng produkto kundi sa ilang sektor lamang mula sa Amerika.
02:03There were certain markets that they were asked to be open that are presently, right now, are not open.
02:12The one of the major areas that he said were automobiles.
02:17Because we have a tariff on American automobiles, we will open that market.
02:23Lalakihan din daw ng Pilipinas ang pag-i-import ng ilang produkto mula sa Amerika.
02:28The other side of that is an increased importation from the United States
02:31for soy products, wheat products, and pharma, actually, medicines
02:42para makamura naman yung maging mas mura yung gamot natin.
02:46Tarong sa Pangulo, hindi kaya lugi ang Pilipinas dito?
02:50Ang pagbaba ng taripa para sa produkto ng Pilipinas na pumapasok sa Amerika,
03:13tinawag na achievement ni Marcos.
03:16We managed to bring down the 20% tariff rate for the Philippines to 19%.
03:23Now, 1% might seem like a very small concession.
03:27However, when you put it in real terms, it is a significant achievement.
03:36Si Trump naman, tinawag na beautiful visit ang pagpunta ni Marcos sa White House.
03:41Mataasan niya ang respeto kay Marcos sa Amerika.
03:44Tinawag pa niya itong very good and tough negotiator.
04:06Natalakay rin sa meeting ang defense and security issues ng dalawang bansa.
04:10Igan, patuloy din ang pagbumonitor ni Pangulong Marcos sa sitwasyon sa Pilipinas.
04:20At kanina nga ay nag-share siya ilang informasyon kaugnay sa pangyayari dahil sa matinding pagbaha.
04:27Ayon sa kanya, batay sa report sa kanya ay 6 ang namatay, 5 ang injured at 8 ang missing.
04:331,875 naman daw po yung areas na apektado ng flooding sa iba't ibang rehyon.
04:40At sabi niya ang damage to infrastructure sa ngayon ay nasa 4.7 billion pesos at maari pa raw yung tumaas.
04:48Yan muna ang pinakahuling ulat mula dito sa Washington D.C.
04:51Maraming salamat, Sandra Aguinaldo Live mula sa Washington D.C. sa Amerika.
04:56Ingat!
04:57Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba't ibang ulat sa ating bansa.

Recommended