Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00We'll be right back to the Kaksi!
00:216 places in the country have declared the state of calamity
00:26because of the effect of rain and rain.
00:28Kabilang po dyan ang Kalumpit Bulacan kung saan mahigit 40,000 pamilya ang apektado.
00:35Mula sa Kalumpit Bulacan, Saksi Live, si Nico Wahe.
00:38Nico!
00:43Maris isinailalim na sa state of calamity ang Kalumpit Bulacan
00:47matapos malubog sa baha ang lahat ng 20 siyam na barangay dito.
00:52Kasama dyan ang barangay Sapang Bayan na palaging binabaha
00:55dahil karugtong na Pampanga River na madalas ay high tide.
01:03Dito lumaki, nakapag-asawa,
01:05at dito na rin nagkaapo sa barangay Sapang Bayan, Kalumpit Bulacan, si Aling Esmeralda.
01:11Sa lahat naon ang pinagdaanan niya sa buhay, palagi rin niyang kasama.
01:15Ang baha.
01:16Halos hindi na raw umalis sa barangay nila magmula noon pa.
01:20Nagkakatalo na lang kung gaano kataas o kababa.
01:23Siguro po habang ano na yan, yung high tide na yan, makahabang panahon na yan.
01:29Katabi kasi ng barangay ang Pampanga River na madalas high tide.
01:33Kailan ang bahuling nawala ng tubig dito?
01:34Eh, ala pa po.
01:37Diretso po.
01:38Noong March?
01:39Noong tag-araw?
01:40Tag-araw lang po.
01:41Tapos, ay, maski po tag-araw, meron po.
01:44Hindi naman po nawawala.
01:45Kaya mga bahay na lang dito ang nag-adjust.
01:48Karamihan, may second floor.
01:50Marami rin sa mga residente, may kanya-kanyang bangka.
01:53Kapag wala namang bangka, ganitong salvabida ang meron sila.
01:59Lalabas natin.
02:00Ito ang salvabida ni Nanay Esmeralda.
02:03Ginagamit ito ng kanyang mga apo kapag papasok sa skwela.
02:06Ito, nilalagyan nila ng bangkito at may palanggana.
02:11Sa butas ng mismo ng gulong na salvabida para dito sila uupo at makapasok sa skwela.
02:18Ang iba naman, sirang ref ang gamit.
02:20Halos araw-araw po, high tide ang nangyayari po sa amin dito.
02:24Kaya po ang mga bata na nag-aaral, nahihirapan po.
02:27Ang mga residente po rito, nahihirapan din po.
02:30Mas malalaraw ang taas ng tubig, lalo ngayong masama ang panahon na dulot ng habagat.
02:35Nakaambapang tumasang tubig bukas dahil sa inaasahang 4.9 meters na high tide.
02:40Apat na sunod-sunod na araw yung ganyang kataas mula bukas.
02:43At dahil nga tila forever ng tubig dito, isang daang ektaryang sakahang lupa ang hindi na napapakinabangan.
02:48Nagmimistulan na lang itong mga ipunan ng tubig.
02:52Ang magsasakang gaya ni Kagawad Renato, hindi na raw alam ang gagawin sa kanyang lupa.
02:57Isang dekada na kang hindi nakakapagsaka.
03:01Dahil sa pagkakakuhan, pumapasok agad ang alat.
03:05Umaasa silang makababalik muli dahil sa flood control project na sinimulan na noong nakaraambuan ng BPWH.
03:12Pag iyan po ay nagawa, unti-unti na pong mababawasan ng high tide dito.
03:17Isa lang ang barangay Sapang Bayan sa dalawang putsyam na barangay sa kalumpit Bulakan na lubog sa bahang ngayon.
03:22Kaya ang lokal na pamahalaan, nagdeklara na ng state of calamity.
03:26Handang-handa naman po kami kung ano man po yung disaster na aming naranasan sa ngayon.
03:32Yung mga dati po hindi nilulubog, ngayon po ay nilulubog na rin.
03:36Lalo higit yung mga subdivision po. Halos wala nang labasan yung tubig.
03:42Mahigit 40,500 na pamilya na ang apektado. Katumbas yan ang mahigit 131,000 na individual.
03:48Mahigit 300 namang pamilya ngayon ang nananatili sa evacuation centers.
03:53Plano raw ng LGU na magtayo pa ng mas maraming flood control project.
03:57Naging successful yung flood control sa barangay ng Corazon dito sa bayan.
04:02Bali dati kasi pag ganyang bahaan, halos 1 month to 3 months.
04:07Pag mawag kumupa yung tubig, ganun katagal.
04:11Nung ginawa yung flood control doon, na-testing na,
04:14na-approve siya. Bali, ngayon, Bali, 1 to 3 days lang.
04:26Maris, ayon sa MDRRMO, ay aabot na sa labing siyam na ektare ang pananimang nasira
04:31dahil sa baha. Nakakahalaga yan ng 3.8 million pesos.
04:35At posibleng madagdagan pa ang numerong yan dahil sa inaasahang 4.9 meters na high tide bukas
04:41na magiging dahilan ng mas mataas at mas malawak na pagbaha.
04:46At live mula rito sa Kalumpit Bulacan para sa GMA Integrated News,
04:50ako si Niko Wahe, ang inyong saksi.
04:53Pahirapan ang pag-rescue sa isang senior citizen sa isang subdivision sa Quinta Rezal.
04:58Hindi pa rin makapasok ang mga sasakyan doon dahil sa baha.
05:02Sa Saksi Live, si Katrina Son.
05:05Katrina?
05:10Maris, baha pa rin ang ilang mga barangaya dito sa Quinta Rezal
05:14kaya naman ang ilang mga residente na hihirapan na at nakakaubusan na
05:18sa kanilang supply ng pagkain.
05:25Kakulangan sa tubig na maiinom at pagkain.
05:28Ito raw ang nararanasan ng ilang residente sa loob ng Vista Verde Subdivision dito sa Quinta Rezal.
05:34Kaya naman di alintana ng ilang mga residente ang mataas na baha at malakas na ulan
05:40makabili lang ng pagkain at maiinom.
05:43Sabi ng pag-asa is two days na malakas pa rin ang ulan.
05:47So in preparation pa rin, mayroon kami supply.
05:52Kasi yung supply namin before is yung for two days naubos na.
05:56Yung tindahan kasi naubos na rin yung mga supplies nila.
05:59Paano po doon? May makakain pa?
06:02Paglating ko, makakabili ng pagkain.
06:05Paraan na rin daw nila ito ng paghahanda lalo na at may bagyon na naman.
06:10Kasi baka bukas mayroon pa rin eh, nahirapan kami lumabas.
06:13Kaya bumili na ako.
06:16Mas maganda na raw na handa sila lalo na at patuloy daw ang pagtaas ng baha sa kanilang lugar.
06:21Andito ako ngayon sa Vista Verde Executive Village dito sa barangay San Isidro sa Cainta Rizal.
06:28Ang subdivision nga na ito ay isa sa mga subdivision na talagang binaha.
06:32Sa kinatatayuan ko ngayon ay hanggang tuhod ang baha.
06:35Pero kapag napunta ka pa rao sa looban ay lampas dibdib na ang taas ng baha.
06:42Kaya naman, kanya-kanya na ang mga residente dito sa paggawa ng kanilang mga makeshift na balsa.
06:47Ito po yung pressure na sira. Bale, ginawa na namin ng paraan para makatulong din sa mga kapwa nating Pilipino na gusto mo yung isa bahay.
06:55Anday po kasing lumulutag na saging-saging dito, madami, kaya kinuha na lang po namin.
06:59Kaysa namang bumarabara na lang, tagpi-tagpi na namin para gawing balsa.
07:05Bale, swimming pool to ng mga bata po, tas ginawa na lang po namin bangkap.
07:09At dahil din sa mataas na baha sa lugar, isang lalaking senior citizen ang kinailangang i-rescue.
07:15May re-rescue tayong senior na nahihirapan na humingas.
07:20Ni-rescue siya gamit ang military truck.
07:23Nang hindi na makapasok ang truck dahil sa taas ng baha,
07:26nagtulong-tulong ang rescuers gamit ang maliit na rescue boat.
07:30Samantala, baha rin sa ilang mga kalsada dito tulad ng Felix Avenue.
07:35Hindi na rin madaanan ang mababa at maliliit na sasakyan.
07:38Maging ang mga motor, hirap.
07:40Kaya naman maraming nagbalikang mga sasakyan.
07:43Ang ilan naman, nasiraan pa.
07:45Tumirik po eh. Ayaw na po umandar eh.
07:48Hindi mga pasok ngayon. Ayaw umandar yung motor ko eh.
07:55Mariz, sa mga oras naman na ito ay tumigil na nga yung malakas na ula na naranasan natin buong maghapon dito sa kainta sa Rizal.
08:03At sa ngayon naman, mataas pa rin nga yung baha rito.
08:06Sa kinatatayuan ko, Mariz, ay gutter di pang baha.
08:10Pero sa likuran ko ay abot-tuhod pa yan at sa gitna ay hanggang dibdib pa raw dyan yung baha.
08:16At live mula dito sa kainta para sa Dreaming Integrated News.
08:20Ako si Katrina Zorn, ang inyong saksi.
08:24Hindi may kakaila ang bayanihan at pagumalasakit ng mga Pilipino sa tuwing may pagbaha.
08:30Pero marami rin ang napipilitang sumuong para makauwi, makapasok sa trabaho o makahabol sa kanilang flight.
08:38Narito po ang aking report.
08:39Hanggang kanina ay mataas pa ang baha pati sa malalaking kalsada sa Maynila.
08:45Sa Padre Burgo, stranded ang ilang sasakyan at komuter.
08:48Sa Espanya Boulevard, may at mayang sinusukat ng DPWH Flood Watch ang level ng tubig.
08:55Kapag umabot ito sa 35 hanggang 40 centimeters, pinapadivert na ang maliliit na sasakyan.
09:01Malawak din ang pagbaha kanina sa Finance Road.
09:04Ang isang estudyante na pilitang maglakad dahil walang masakyan pa Divisoria.
09:08Bakit ngayon ka lang oon?
09:09Kasi wala nang ulan. Kala ko walang mupa na yung bahag.
09:12Eh bakit nag-ibag ka ng sapatos?
09:14Eh kasi bakit yung sapatos mas sira yung sapatos.
09:17Hindi ba mas delikadong nakapa?
09:20Kirem!
09:21Hindi naman bababa sa tuhod ang level ng bahas at wazon village sa Las Piñas City kanina.
09:27Walang choice ang marami kundi sumuong.
09:30Nagmistulang dagat naman sa Las Piñas River Drive.
09:33Sa kuhang ito, makikita ang umapaw na ang ilog at pumantay sa tulay at mga bahay.
09:38Sa gitna ng halos walang tigil na pagulan, tulong-tulong ang mga rescuer na ito para mailipat ang bedridden na senior citizen sa isang evacuation center.
09:48May isa pang senior na kinargana ng rescuer.
09:51Nirescue rin ang isang bagong panganak na ginang at ang kanyang sanggol.
09:55Halos pabalik-balik naman ang mga rescuer mula sa Barangay San Junisio Disaster Risk Reduction and Management Office
10:01at ang Paranaque Dunggalo Fire Volunteers para magsalba ng mga stranded sa kanilang mga tahanan.
10:07Dito sa Barangay San Junisio, apat na bata ang pinarescue ng kanilang magulang dahil hindi pa rin humuhupa ang baha sa kanila.
10:14Ano po kasi may paralys po kami sa bahay.
10:18Kahit pahirapan si NICAP na 68-anyos na ginang na sumakay ng bangka, madala lang siya sa ospital para sa nakaschedule na dialysis.
10:26Times a week. Tapos pag 8 months na ngayon, ibang makirandam ko pag napaliyahan, hindi ako magpapaliyan.
10:39Menso matagal na daw po tumila yung ulan pero hanggang ngayon, makikita ninyo, mapapansin ninyo,
10:45hindi pa rin humuhupa ng tuluyan yung baha dito sa May A. Santos, dito po sa Sukat, Paranaque.
10:51At makikita natin na kahit saan ang direksyon kayo, tumingin, bumaling, e talagang lubog pa rin sa baha.
10:59Hindi na po ito possible. Kahit nga po yung makikita ninyo, yung mga malalaking truck, yung bumbero,
11:05at marami pa pang mga sasakyan dito ay tumirik na.
11:09Ang angkos, yung creek doon na nasira indike. Dito na pumasok sa kalsada yung lahat ang tubig.
11:16Kaya kahit wala ng ulan po, yung tubig mataas pa rin.
11:21Buti na lang maraming mga rescuer ang may mga bangka para isa kayo mga stranded.
11:25Kasi kung nang na-fly po ako mamaya, so na-stranded po, galing po ako ng Sampalo.
11:31Thankful po kami kasi nandito po sila kuya na nag-rescue po sa amin na hanggang po dito sa may SM Sukat,
11:37nirescue po kami para lang po makaabot po kami sa may LR.
11:40Pati lang residente naglabas ng bangka o ng pedicab para pagkakitaan.
11:55Meron din pati makeshift na balsa.
11:58Pero ang marami, lakas loob na sumuong na lang sa baha.
12:01Gaya ng bulto ng mga pedestrian na ito, na ang iba umakyat na lang sa Center Island para makatawid.
12:06Nang medyo humupa, nakalusot na rin ang mga truck ng polis na nagsakay ng mas marami pang stranded.
12:19Pero payo ng ilang rescuer.
12:21Payo po sa mga lalabas po ng bahay, maaari huwag na po muna.
12:25Manatili na po muna sa masanob ng bahay nila.
12:27At talagang malalim po po ang baha kahit saan po tayo pumunta.
12:30Tuloy naman ang paghahanda para may makain ang mga evacuee.
12:35Maraming lugar sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya
12:39ang nakaranas ng pagbaha kahapon, bunsod na malalakas na ulang dala ng habagat.
12:43Base sa datos ng pag-asa, sa Sangley Point sa Cavite City, naitala ang highest rainfall na 382.1mm
12:51o pinakamaraming naibuhos na ulan sa loob ng 24 oras.
12:56Hindi na yan nalalayo sa climate normal o yung inaasahang buhos ng ulan sa buong buwan na ng Hulyo
13:03sa Sangley Point na 456.6.
13:06Mahigit 200mm naman ang naitala sa Science Garden, Quezon City
13:11at naiyas sa Pasay City sa loob ng 24 oras.
13:15Ang climate normal para sa buwan ng Hulyo sa Science Garden ay 516.6mm.
13:21Mahigit 100mm naman sa Clark International Airport sa Pampanga at sa Dagupan City, Pangasinan.
13:28Ang bagyong ondoy noong 2009, nagbuhos ng nasa 300mm na ulan
13:34sa loob lang ng 6 na oras noong nakaraang taon.
13:37Mahigit 300mm na ulan din ay binuhos ng habagat na pinalakhas ng bagyong karina sa loob ng 18 oras.
13:46Dahil sa epekto ng mga pagbaha, isinailalim na po sa state of calamity ang lalawigan ng Cavite,
13:51mga bayan ng Balagtas at Kalumpits sa Bulacan, Quezon City, Uminggan, Pangasinan at Rojas, Palawan.
13:59Luma na nga, barado parao ang 70% ng drainage sa Metro Manila,
14:06na isa sa itinuturong dahilan ng mga pagbaha.
14:09Target yung solusyonan ng 24.9 billion pesos na flood control project
14:13na nakatakdang matapos sa susunod na taon.
14:16Saksi si Joseph Moro.
14:18Sa maraming galsada, umaabot ang tubig ulan na hindi makaagos nung maayos sa mga dapat nilang daluyan.
14:28Sa Tripa de Galina, pumping station ng Maynila, halimbawa, may kasamang basura ang nasisipsip.
14:35At hindi sila simpleng kalat.
14:37May pintuan ng refrigerator, troso at sofa.
14:41Isa lamang ito sa 70 pumping stations na hawak ng MMDA na gumagana pero...
14:46Kailangan lang namin mapump out palabas yung tubig.
14:49E minsan kakaroon ng delay dahil sa basuran.
14:52Ika nga, ang basurang itinapon mo, babalik sa iyo.
14:56May kasama pang baha.
14:57Umaabon na lamang dito sa Maynila pero sa bahaging ito ng Ross Boulevard,
15:02mataas pa rin ang baha dito.
15:04At yung mga sasakyan kung hindi sila mataas,
15:06syempre ingat sa paggapang laban sa baha.
15:09Ayon sa MMDA at DPWH, patong-patong na mga problema ng basura.
15:15Lumang drainage system at syempre,
15:17kalikasan ang posibleng mga dahilan kung bakit mabilis bumaha sa Metro Manila.
15:23Kaya nga sa ibang lugar, tulad sa Rojas Boulevard sa Maynila at abot-sinkwentang lugar,
15:28ang may mga drainage na may mga basura na pinalilinis na ng MMDA sa mga tauha nito.
15:34Kung nababarahan ng ganito,
15:36hindi makakarating yung tubig at may iipon muna sa karsada bago namin siya mapump out.
15:40Sabi ng Public Works Department,
15:42kailangan ng palitan ng maraming lumang drainage pipe na maliit na nga,
15:46parado pa at hindi lamang ng basura.
15:4870% of the drainage system in Metro Manila are already shielded.
15:54So the efficiency of the drainage system at Metro Manila is only about 30% siguro.
15:59Kabilang sa mga solusyon ng 24.9 billion peso Metro Manila Flood Control Project
16:04na sinimula noong 2018 at matatapos sa 2026.
16:09Isa sa moderno nito ang nasa 40 pumping stations at magtatayo ng 20 bago.
16:15Hinuhukay rin at pinapalalim ang Pasig at Marikina River sa ilalim ng Marikina River Rehabilitation Project
16:22na ang isang phase ay sa 2028 pa matatapos.
16:26Gagawa rin ang catchment basin o pansalo ng tubig sa San Mateo, Rizal.
16:30Para hindi rin bago baka agad dito sa Marikina River o kaya sa Pasig River.
16:35We hope that we will be able to obstruct it in the next few years after the lahat niya.
16:40Magdatayo rin daw ng mga dam sa Maysara Madre para mas kontrolado ang tubig mula roon papaba sa Metro Manila.
16:47We still undergo geological, geological and technical evaluation.
16:52We might be able to start doing that well 2027, 2028 siguro.
16:58Pero marahil kalikasan at natural na daluli ng tubig ang kalaban.
17:03Sabi sa post ng geologist at UP Resilience Institute Executive Director Dr. Mahar Lagmay,
17:09tinayuan na ng mga bahay, gusali at mga kalye ang ilan dyan.
17:14Tulad halimbawa ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, bagay na sinang ayunan ng DPWH.
17:20Kasi dati-dati, may mga open spaces pa yung Metro Manila because of development and population increase.
17:28Ako rin, halos wala na pupunta ng tubig-baha kundi sa mga drainage system nila.
17:33Para sa GMA Integrated, nung usap ko si Joseph Morong, ang inyong saksi.
17:37Mga kapuso, maging una sa saksi.
17:41Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended