00:00Sa Quezon City naman, mahigit siyamnapung tonelada ng basura ang nakolekta sa ilang binahang kalsada.
00:08May ulat si Denise Osorio ng PTV.
00:14Humupa man na ang baha sa karamihang bahagi ng Quezon City.
00:18Sangkatutak naman na basura at maputik na kalsada ngayon ang iniwan nito.
00:23Sa kabaan ng G. Araneta Avenue, nagkanda sabit-sabit na ang mga plastic, papel, styrofoam.
00:30At kung ano-ano pang kalat na inanodagbaha.
00:33Kapansin-pansin naman ang agarang pagresponde ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA
00:39sa pag-deploy ng mga tagahakot ng basura.
00:42At pati na rin ng ilang mga heavy machinery tulad ng bulldozer, forklift at excavator.
00:49Sinasabayan rin ito ng paglinis ng makapal na putik sa kalsada para hindi mahirapang dumaan ang mga sasakyan.
00:55To make sure na yung area ay madaanan na.
00:59Kasi kanina, kung makikita mo, as per instruction ng aming chairman,
01:04once na humupa yung baha doon sa kabaan ng G. Araneta Avenue,
01:10agad dilinisin namin to make sure na madaanan na ng mga motorista.
01:15Kasi marami kasing area pa ng mga flooded na hindi madaanan.
01:19So inunang muna namin itong linisin para madahanan na po kanina.
01:24Alas 7 ng umaga pa lang, iniutos na ni MMDA Chairman Artes sa pamamagitan ni MMDA Metro Parkway Tearing Group Director Francis Martinez
01:32na simulang linisin ang literal na baha ng basura sa kabaan ng Araneta.
01:37Ang nakuha po natin dyan is 72.2 cubic meter po na basura po.
01:44Ito, maaabot ito ng 95.49 tons eh.
01:49Yung 10 truck na basura pagsamasamahin mo yun, siguro po, marami-rami na rin yun.
01:55Paliwanag ng MMDA, maliban sa basurang nang galing sa mga estero,
02:00naanod na rin ang mga recyclable materials mula sa mga materials recovery facility o MRF sa lugar.
02:06Upang maiwasan ang ganitong sitwasyon, panawagan ng mga otoridad,
02:11makiisa po tayo sa proper waste disposal, maging masinop, maging disiplinado,
02:16at iwasan ang pagtambak ng basura kung saan-saan.
02:19Eh, saan po ba ng galing body? Yung mga basura rin po nila na mga pinagtatakon.
02:24Yung nga po kasabihan, basura ang tinapon mo, babalik din sa inyo.