00:00Samantala, ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itigil muna ang lahat ng preparasyon para sa State of the Nation address
00:08para mas matutukan ang iba't ibang ahensya ng gobyerno ang pagtulong sa mga apektado ng walang tigil na pagulan.
00:15Yan ang ulat ni Kenneth Paciente.
00:18Tutok sa kalagayan ng bansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng nararanasang pagbaha dulot ng malalakas na pagulan,
00:25bunsod ng habagat, bago pa man ang kanyang pagalis patungong Estados Unidos para sa isang opisyal na pagbisita.
00:32Nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa mga ahensya ng pamahalaan na agarang maghanda at magtulungan para sa posibleng epekto ng sama ng panahon.
00:41Sinabihan ko na ang OCD, DOTR, DOH, DOST, DSWD, DPWH, DOE at DILG at lahat pa ng lahat ng ahensya na magtrabaho sila
00:55at mag-coordinate sila upang tiyakin na ligtas ang ating mga kababayan.
01:01Pagdibigay din ang chief executive, nakahanda na ang mga kinakailangang tulong para sa mga apektadong lugar
01:07mula sa relief goods, servisyong medikal, hanggang sa supply ng kuryente at tubig.
01:12Ang relief goods ay nakahanda na, idinideliver na doon sa mga area na nangangailangan.
01:18Yung mga medical team, kasabay na rin ng ating mga relief goods.
01:24At tinitiyak natin na merong transportasyon at syempre ay tinitiyak natin na may sapat na supply ng tubig,
01:32sapat na supply ng kuryente at lahat ito ay para sa pangangailangan ng mga naging biktima
01:41nitong pagbaha at malakas na ulan.
01:45Sa kabila nito, nanawagan ng Pangulo sa publiko na maigting na makipag-ugnayan at sumunod
01:50sa mga paalala ng mga otoridad.
01:53Pakiusap ko lang po sa inyo ay pakinggan niyo po ang mga sinasabing advisory
01:58ng inyong LGU, ng National Government at pakisundan lang po
02:03para naman matiyak natin na hindi kayo malagay sa alanganin.
02:08Giit pa niya na tuloy-tuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na mapalakas pa ang kakayahan ng gobyerno
02:13sa pagharap sa mga hamon ng climate change.
02:16Nandito kami lagi upang magbigay ng lahat ng servisyo ng kailangan sa harap ng hamon ng climate change.
02:24Siguraduhin natin mas lalo pang mapalakas ang kakayahan ng pamahalaan na tumugon sa ganitong klaseng sitwasyon.
02:30Ipinag-utos na rin ng Pangulo ang pagsususpinde sa lahat ng SONA-related preparation activities.
02:36Mahigpit niyang inatasan ng DPWH at lahat ng ahensya ng gobyerno
02:40na ituon ang kanilang atensyon at resources sa pagtugon sa sitwasyon
02:44at pagtulong sa mga naapektuhan ng masamang panahon.
02:48Klaro ang gusto ng Pangulo.
02:50Ituon ang lahat ng kakayahan at available resources ng gobyerno
02:54upang tiyakin na ligtas at nasa maayos na kalagayan
02:57ang lahat ng apektado ng mga lawakang pagulan at pagbaha.
03:02Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.