00:00Puspusan din ang pagtulong ng hukbong sandatahan ng Pilipinas para sa ating mga kababayang apektado na matitinding pagulan at pagbaha.
00:08Ayon naman kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., alinsunod sa diretiba ni Pangulo Marcos Jr.,
00:15nakikipagugnayan pa ang gobyerno sa U.S. Indo-Pacific Command para magamit ang EDCA sites at iba pang kagamitan sa relief at rescue operations.
00:26Yan ang report ni Patrick De Jesus ng PTV.
00:31Nagkasan ang humanitarian assistance and disaster response o HADR operations ang Armed Forces of the Philippines
00:37sa mga apektado ng tuloy-tuloy pa rin pag-uulana sa malaking bahagi ng bansa.
00:43Ang Philippine Army patuloy ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para sa agarang paghahatid ng relief items,
00:50gayon din sa road clearing operations at pagsasagawa ng damage assessment.
00:54Ang ilang sundalo naman ng Philippine Air Force tubulong sa repacking ng relief packs sa DSWD warehouses at paghahatid nito sa mga evacuation center.
01:04Gagamitin naman ang mga EDCA site para palawakin pa ang HADR operations.
01:10Sinabi ito ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kung saan iginit din ng kalihim na nakatutok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:18sa sitwasyon sa bansa kahit siya ay nasa official visit ngayon sa U.S.
01:22Kahit na nandi dito po kami at nakikipag-usap, hinggil sa mga importanteng mga issue kami po ay nakatutok bilang chairperson po ng NDRRMC at saka OCD
01:35sa ating inter-agency coordinating cell kung saan 24-7 po na nakamonitor, 24-7 po nakatutok ang ating Pangulong.
01:45Nakipag-ugnayan na rin mismo ang gobyerno sa ating mga counterparts sa Amerika para sa kalagdagang tulong na kanilang maaaring maibigay.
01:54Dito po sa Amerika, nandito po ang ating mga counterparts, ang U.S. Indopecom kung saan nakikipag-usap kay General Bronner upang saan pwede makipagtulungan.
02:05Nandiyan na rin po ang Japan at iba pang mga kaalyado natin.
02:08Dito po makikita ng ating mga kababayan ang benepisyo ng pakikipag-ugnayan ng mga armed forces para makaligtas sa ating mga kababayan laban sa mga hamon na kalaykasan.
02:22Samantala, 6 lang na iulat na namatay dahil sa panalasa ng bagyong krising at habagat ayon sa NDRRMC.
02:30Habang 6 din ang nawawala.
02:32Aabot naman na sa 413 milyon pesos ang halagan ng pinsala sa infrastruktura habang 54 milyon pesos sa agrikultura.
02:42Patrick De Jesus para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.
02:45Patrick De Jesus para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.