00:00Nagtapos sa ikaapat na pwesto ang Philippine Women's Softball Team sa Women's Softball Asia Cup sa Shinya, China.
00:07Yan ay matapos makansila ang mga gold medal match sa pagitan ng Japan at China at bronze medal game ng bansa
00:14kontra Chinese Taipei, bunsod ng matinding buhos ng ulan, dahilan para hindi magamit ang field of play.
00:22Dahil dito, ang elimination standings ang nagdetermina para sa World Cup qualifiers
00:27kung saan bansang Japan ang may malinis na kartada, 9-0, China na may 8 wins and 1 loss,
00:33at Chinese Taipei na may 7 wins and 2 losses.
00:37Samantala, ang pambansang kupuna naman ay nagtapos na may 6 wins and 3 losses.
00:44Nakadepende naman ang pag-abante ng RP Blue Girls sa World Cup sa pamamagitan ng wildcard selection.