- yesterday
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Hey! Hey! Hey!
00:06Hey!
00:07You go, bata!
00:08Tinangay ng rumaragas ng baha ang isang bata sa Batasan Hills, Quezon City.
00:14Agad siyang sinaklulohan ng ama pero mabilis siyang lumusod sa malaking butas ng ginagawang kalsada.
00:20Sa isang bahagi na ng ginagawang drainage, nayangat ang bata at nailigtas.
00:30Bago ngayong gabi, nirescue ang sakay ng kocheng yan matapos tumirik at lumubog sa hanggang dibdib na baha sa tandang Sora, Quezon City.
00:39Stranded ang ilang empleyado.
00:41Sa video ng uploader na si Evanesa, tumawag na sila ng rescue dahil nasa second floor na sila ng kanilang opisina.
00:49Agad namang dumating ang mga rescuers sakay ng rubber boats.
00:53Sa mga pawi pala ngayong gabi, maliban sa payong o kapote, magbaon din ang pasensya sa mahabang paghihintay at traffic, lalo't baha pa rin sa maraming lugar sa Metro Manila.
01:07Live mula sa Espanya sa Maynila, may report si Katrina Stone.
01:11Katrina?
01:16Atom, nakaranas mas-stranded at nahirapang makauwi ang ilang mga commuters dahil nga sa tuloy-tuloy na pag-uulan dito sa Maynila.
01:26Baha ang sinuong ng commuters at motorista na pauwi mula sa kanilang trabaho ngayong gabi.
01:37Pahirapan ang pagsakay.
01:39Punuan kasi ang mga ilang-ilang jeep at bus na bumabiyahe sa abot-tuhod na baha.
01:45Kaya naman may ilan na pilitang maglakad para makahanap ng masasakyan.
02:14Ang ilan namang mga motorista, hirap din.
02:17May ilang walang nagawa kundi magtulak ng motor.
02:21Ang iba, pilit naghahanap ng madaraanan sa gilid ng kalsada.
02:26Pahirapan makauwi po sa ngayon.
02:28Kasi doon medyo malalim kaya sinundan ko lang yung kaninang motor.
02:32Eh yun, susubukan ko makadama, makatawid.
02:35Malalim eh. Struggle.
02:39Habang ang iba naman, di na sumugal at nagpasya na lang na magantay na humupa ang baha.
02:46At para makatulong sa mga commuter na hirap makasakay,
02:49nag-ikot ang Philippine Navy para magbigay ng libreng sakay.
02:53Sa Ross Boulevard, Pio Campo hanggang UN Avenue.
02:56Dire-direcho hanggang Callow Street,
02:59gutter deep na baha ang nagpabagal sa mga sasakyan.
03:02Sa harap naman ang Manila City Hall hanggang Loton.
03:05Apot hanggang tuhod ang baha.
03:08Pagdating naman ng Espanya,
03:11baha ang halos buong kalye na ito.
03:14May mga parte rin na lampastuhod ang baha.
03:17Kaya naman ang ilang mga kabataan dito,
03:19ginawang parang swimming pool ang lugar.
03:22May ilang mga sasakyan din na nagsibalikan.
03:30Atom, sa mga oras naman na ito ay tuloy-tuloy pa rin
03:32yung nararanasan natin na pagulan dito sa Espanya, sa Maynila.
03:36Atom, yung mga sasakyan na nagdaraan dito ngayon,
03:39talagang nagdadahan-dahan.
03:40Tinatsansa muna nila, Atom,
03:42kung kakayanan ba nila nga dumaan dito
03:45dahil nga sa tuloy-tuloy kasi na pagulan
03:47ay tuloy-tuloy din yung pagtaas ng baha rito.
03:50Tulad na lamang sa kinalalagyan natin ngayon
03:52o kinatatayuan ko ngayon kanina,
03:54walang baha rito, Atom,
03:56pero ngayon ay gutter deep na ang baha rito.
03:58Atom?
04:00Maraming salamat, Katrina Son.
04:03Nagmistula ang malaking parking lot ng North Luzon Expressway
04:07dahil sa baha.
04:08Hindi na makagalaw ang mga sasakyan sa Paseo de Blas
04:11sa Valenzuela City.
04:13Ang ilang sasakyan, tuluyan ang nalubog.
04:16Stranded ang maraming pasahero na ang ilan,
04:18tumusong na rin sa baha.
04:20Bumper-to-bumper din ang trapiko
04:22sa bahagi ng may kawayan.
04:24Sa ATM advisory ng NLEX,
04:26hindi possible sa lahat ng klase ng sasakyan
04:29ang north at southbound
04:31ng Valenzuela Interchange.
04:33Gayon din sa southbound entry
04:35at exit ng Paso de Blas.
04:38Pansamantalang nakasara ang toll plaza
04:41ng Paso de Blas southbound
04:43may kawayan southbound entry,
04:45Marilao southbound entry
04:47at Ciudad de Victoria southbound entry.
04:50At kaugnay ng sitwasyon ngayon sa NLEX,
04:57makakausap natin si Robin Ignacio,
04:59Senior Manager for Traffic Operations ng NLEX.
05:03Magandang gabi po.
05:05Good evening po.
05:07Good evening, sir.
05:08Kamusta po yung mga non-passable areas ng NLEX ngayon?
05:11Baha pa rin po ba?
05:12At bumabababa ba yung baha kahit pa paano?
05:15Yes, sir.
05:16Sa ngayon po ang hindi-passable talaga
05:19is itong ilalim po ng Paso de Blas
05:22dito sa Valenzuela Interchange.
05:24At yun po nag-umbis sa mga around 640 po kanina
05:27impossible na po talaga ito sa lahat ng klase ng sasakyan.
05:31At maging hanggang ngayon,
05:32itong entry ng southbound at saka northbound
05:36ay hindi pa rin po nagpapapasok
05:39at talagang wala pong makakadaan dito.
05:41So ang ginawa po namin ay nagbukas na po kami ng mga median barriers
05:44para po yung galing pong Maynila
05:46pwede na pong mag-u-turn at bumalik po ulit ng Maynila.
05:50Earlier din po,
05:51nagkaroon din po tayo ng pagbaha dito sa Balintawa Cloverleaf
05:56pero mga around 8pm
05:59possible na po ito sa lahat ng klaseng sasakyan.
06:02So pwede na pong mag-u-turn ulit at bumalik ng Metro Manila.
06:06Ang may kawayan area ay ma-traffic din po yung Pride Seat
06:11kasi po talagang nauna pong binaha ang mga areas po
06:15sa may MacArthur Highway.
06:18So yung traffic po ay talagang hindi makagalaw
06:21at hindi makalabas po ng NLEX.
06:23Yung sitwasyon po natin kasi kaninang tanghali,
06:26kaninang umaga hanggang tanghali, hanggang hapon,
06:30wala naman po tayong itatalang binabaha dito sa loob ng NLEX kanina
06:35pero paglabas po marami na pong binabaha
06:38lalong-lalo na po itong alternate route ng MacArthur
06:41at maging yung mga papasok ng Metro Manila talagang usad pagumpo kanina
06:46kasi marami na pong reported na binabaha po sa loob ng Metro Manila.
06:51So yung mga papasok po galing pong dumaan po ng NLEX ay hindi po makalabas.
06:56But as of now, itong paso de blast lang po talaga yung both directions hindi madadaanan.
07:03Sir Robin, para po sa mga stock sa NLEX ngayon, ano po ba yung pwede nalang gawin?
07:10Yung naka-stock po ngayon, ilas masas gusto po natin magpa-reroute po sana
07:17pero wala rin pong ma-i-suggest na rerouting dahil mas nauna pa nga pong binaha itong mga bandang MacArthur
07:24at saka mga alternate routes po natin.
07:26So yung pag-akit po kasi ng tubig dito sa Paso de Blas dito sa Valenzuela ay napakabilis po
07:34kaya itong queuing po natin kanina ay talagang hindi na makagalaw.
07:39So hanggang ngayon ay inaantay po talagang bumaba itong tubig po dito sa Paso de Blas.
07:46Pero yung bago dumating po ng Paso de Blas, meron po tayong binuksan na pong mga median openings
07:52para makabalik na po yung mga galing Metro Manila at ganoon din po yung galing Norte
07:58pwede rin po mag-Uter at bumalik po pa Norte ulit.
08:01Okay. Sana po mag-improve ng situation sa loob ng mga susunod na oras.
08:05Maras, maraming salamat. Robin Ignacio, Senior Manager for Traffic Operations ng NLEX.
08:12Thank you, sir.
08:13Nagpapatupad na ng forced evacuation sa mga residenteng malapit sa Marikina River
08:18dahil umabot na sa 18 meters ang tubig.
08:21Itinaas ang third alarm ngayong alas-chis ng gabi.
08:24Ayon kay Mayor Maan Chodoro, nakahanda na ang mga evacuation center,
08:28lalo na para sa mga nakatira sa low-lying areas.
08:31Lampas na sa critical level ang umaapaw na Lamesa Dam na nasa 80.40 meters na as of 8.43 ng gabi.
08:40Apektado ang nasa paligid ng Tulyahan River, particular ang Quezon City, Valenzuela at Malabon.
08:46Nahinto naman ang operasyon ng ilang pumping station dahil sa mga naiipit na basura.
08:52Umabot na rin sa full supply level ang Upper Wawa Dam kaya tuloy-tuloy na ang pag-agos ng tubig palabas ng dam.
09:00Konektado ito sa Marikina River, pati na rin sa floodgates ng Mangahan Floodway.
09:05Pinaalerto ang mga residente sa mabababang lugar, lalo na sa mga bayan ng San Mateo, Montalban, Taytay at Kayinta
09:13na malapit sa mga ilog at sa Marikina River.
09:19Binaybay ng GMA Integrated News ang bahagi ng Makabebe, Pampanga,
09:23na lubog sa baha dahil sa high tide na mas pinalalapan ng matinding ulan.
09:28Pinasok na ang mga bahay pero may mga residenteng ayaw pa rin lumikas.
09:33May live report si Niko Wahe.
09:35Niko?
09:40Atom, abot baywang na bahang na may merwisyo ngayon sa barangay sa Plad David dito sa Makabebe, Pampanga.
09:46Pero Atom, yung tubig bahana yan ay hindi lang ngayon na may merwisyo na masama ang panahon,
09:52kundi mag-iisang taon na pala.
09:57Sa gitna ng dilim kasabay ng malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat,
10:01binaybay namin ang kalsadang ito na mistulan ng ilog sa Makabebe, Pampanga.
10:05Mga kapuso, pasado alas 8 na ng gabi at sakay tayo ng bangka na walang katig
10:12at papasok tayo doon sa barangay sa Plad David na ang pinaka baha ang lugar dito sa barangay Makabebe.
10:20Ayon sa MDRRMO, nasa bandang baywang na yung tubig dito sa barangay sa Plad David.
10:26At titignan natin ang sitwasyon nila na ayon sa kanilang kapitan,
10:30ang tubig sa kanilang barangay lalo na sa kalsada ay tumatagal ng hanggang isang taon.
10:36Ang mga residente sawa na raw sa ganitong sitwasyon.
10:39Sobrang hirap po yung mga ano namin, puro alipungana.
10:43Si Casey, kaligtasan ng mga anak ang inuna matapos pumasok ng tubig sa kanilang bahay.
10:49Lilipat po kami kay nanay. Lubog po, wala na kaming matulugan.
10:54Ayon sa kapitan ng barangay, noong January 9,
10:57pahuling nawala ng tubig sa kanilang barangay.
10:59Yung tubig namin dito sa daan namin, mag-iisang taon na yan.
11:04Pag gumalan na ganyan, pag may bagyo, lumalaki.
11:09Sa amin pumupunta yung tubig.
11:11Sa ngayon, walong pamilya nang inilikas nila.
11:14Maraming residente ang piniling manatili na lang sa bahay dahil sanay na.
11:18Sa katabing barangay Takasan na una na naming pinuntahan, baharin.
11:22Nakabangka na ang ilang residente.
11:24Pinasok na rin ang tubig ang ilang bahay.
11:26Pero marami sa mga residente hindi na lumilikas.
11:29Sanay na po kami sa ganito.
11:33Ayun po, nagkataas na mga gamit.
11:35May ilang residente naman inunang asikasuhin ang kabuhayan.
11:39Ang ibang tilapia, inuwi na lang nila para may maulam.
11:53Unang-unang po, we are at aulahing town po.
11:58Sa postal town po kami na Pampanga.
12:01Kasama po namin yung bayan ng Masanto, lag sa SWAT.
12:05So kami po ang pagsakan ng tubig from the Pampanga River break basin.
12:12Using the Pampanga River as the main drainage papunta ang dagat.
12:20Sanay na raw ang mga taga rito kaya hindi lahat gustong lumilikas.
12:2371 individual ang piniling lumikas sa ngayon.
12:26Pero handa raw ang LGU sakaling may kailangan ilikas.
12:29Sa Barangay Santa Maria sa bayan ng Minalin, lubog na ang kalsada.
12:33Maging ang elementary school ng Santa Maria, binahana.
12:36Ang barangay San Isidro hanggang tuhod na ang tubig.
12:39May ilang bahay na pinasok na rin.
12:43Atom, nakabalik naman na kami rito sa may bandang barangay Takasan,
12:50yung mas mababang baha kesa dun sa barangay sa Plat David.
12:54At mula nung dumating kami dito, bandang alas 5.30, malakas na talaga yung ulan.
12:58At magpahanggang sa mga oras na ito ay malakas pa rin.
13:01Kaya yung ilog na nasa aking likuran ngayon ay talagang umapaw na at kapantay na nung kalsada.
13:06Itong tinatayuan ko nga ay punong-puno na rin ng tubig.
13:09Kaya yung barangay, nakastandby para sakaling may gustong lumikas ay ready sila.
13:14Atom.
13:15Maraming salamat at ingat kayo dyan, Nico Wahe.
13:19Pahirapan ang pag-uwi ng ilang estudyante dahil sa baha na nang mag-suspin din ng klase.
13:26Kabilang naman sa lumika sa Quezon City ang isang bedridden stroke patient.
13:31May report si Marisol Abduraman.
13:36Tukod ang trapiko sa bahaging ito ng Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil sa baha,
13:41pinagsagang pinakamalapad na highway pero kanina,
13:47nagsiksikan sa inner lane ang mga sasakyan,
13:49lalo't galing sa kabilang gilid ang dumadaloy na tubig.
13:53Ang mga estudyante, nahirapang umuwi dahil sa late na anunsyo na walang pasok.
13:57Nagsuspended po kasi nyo nung ano, pauwi na po kami.
14:01Last subject na po yun.
14:03Tapos dun na po ano, nalaman namin na ba na rin dito.
14:06So paano ka makakauwi?
14:08Hindi ko po alam.
14:10Dapat dinitlaran na suspend din sa klase kanina pag umaga.
14:14Huwa na may mga naku.
14:16Abot-bewang na ang bahang nilusong ng mga estudyante sa General Luis Novaliches.
14:21Nagkumahog naman sa pag-evacuate ang komunidad sa gilid ng Dario Bridge
14:25nang biglang tumaas ang tubig ng San Juan River,
14:28kabilang sa inilikas kanina ang bedridden at stroke patient na may tubo pa sa ilong.
14:33Sa Maynila, halos mag-zero visibility sa lakas ng ulan kaninang umaga.
14:39Pero wisyo sa mga motorist at commuter ang baha.
14:42Sa Pimargal, hindi na kinaya na mga sasakyan sa sobrang taas ng baha,
14:46kaya nagsibalikan na lang sila.
14:48Sa maghapong ulan, hindi na bumaba ang baha na may kasamang tubig-dagat sa paligid ng Malabon City,
14:54lalo na sa Malabon Central Market.
14:57Ganito naman ang eksena sa MacArthur Highway sa Valenzuela City.
15:00Malalaking sasakyan lang ang nakakatawid sa bahang umabot hanggang tuhod.
15:05May mga motor na tumiri, kaya ang ilang rider tinawin ang baha nang nakapatay ang makina ng motor.
15:10Pinalikas naman ang mga residente sa tabing ilog at mababang lugar sa Marikina,
15:15pagka-deklara pa lang ng ikalawang alarma sa Marikina River.
15:18Naka-trauma po kasi.
15:20Lalo na po ngayon, may mga anak na po kami, nakaka-ano po, bahala po yung baha.
15:25Pre-emptive naman as we've talked with the mga tao dito sa evacuation centers,
15:30wala pa naman baha sa kanila mga areas, pero gusto nilang mag-ingat at mag-handa.
15:35Dahil halos walang tigil ang ulan, mabilis ding umapaw ang ilang estero na nagdulot ng mga gutter deep na pagbaha,
15:42ang itinuturong sanhi sa ang katutak na basura.
15:45I-excavate natin yung mga nakukuha nating mga trash, mga debris.
15:51Ang totoo, ito dahil interconnected tayo.
15:54Yung creeks coming from upstream, sa may Rizal part, dito dumadaloy,
16:00kaya nakikita natin yung mga basura talaga na iipon.
16:04Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:11Nasira ang spillway sa bayan ng Laurel, Batangas na alternatibo pa naman ng mga motorista
16:17sa nasirang tulay bunsod ng bagyo noong nakaraan pang taon.
16:21Sa Rizal, may dialysis patient naman na sumuong sa baha.
16:25May report si Ian Cruz.
16:27Hindi lang ang tinigil na search operation sa efekto ng masamang panahon.
16:34Ang mga motorista at residente sa paligid ng Taal Lake, apektado rin.
16:39Hindi madaanan ng sasakyan ng spillway sa bayan ng Laurel, Batangas, sa taas ng tubig.
16:45Ang daanan na sa kabila, kaso nga lang sara din.
16:49Medyo malakas na nga Agos, kaya naman.
16:51Pero ang sasakyan di kaya natin.
16:53Pero ilang residente ang pinilit pa rin tumawid para makauwi.
16:58Umagos ang tubig na may halong lupa ng umapawang creek na ito.
17:02Nauna na nagsagawa ng pre-emptive evacuation doon.
17:08Stranded naman ang mga motorista at commuter sa barangay binubusan sa bayan ng Lian
17:13dahil sa pagbaha.
17:14Ang ibang motor, tumirik na.
17:17Ilang lugar din ang binaha sa kainta Rizal.
17:20Marami estudyante ang naglakad sa baha.
17:22Hanggang paalam po.
17:23Tapos biglang naging tuhod.
17:25Tapos ngayon, hita.
17:27Malapit na pong magbewang.
17:29Ang kakadialisis na senior citizen, napilitan na rin lumusong.
17:33Ano ba dapat gabi ng gobyerno dapat na ginagawa na nila noon pa?
17:36Yung flood control, ewan ko wala naman nagagawa.
17:41Nagagawa?
17:42Matagal na yun eh.
17:43Dahil sa walang tigil na ulan,
17:45nakahanda na ang mga residente sakaling tumas pa ang tubig.
17:48Pag tataas na hod nga dito, may sukatan kami eh.
17:53Ngayon na hod nga kami lilikas.
17:55Kasama sa nalubog ang gusali ng DepEd Calabar Zone,
17:59ayon sa kainta MD-RRMO,
18:01nagbigay sila ng transportasyon sa mga stranded.
18:05Hanggang baywang na ang baha at tumataas pa sa subdivision na ito.
18:09Hanggang baywang po.
18:11Hanggang baywang?
18:12So talagang kailangan na magbangka?
18:14Apo.
18:15Ang iba naman,
18:16handang magbayad ng sandaang piso sa pedicab na hinihila ng dalawang lalaki.
18:21Ang iba, kasama pa sa mini pool na ginawang bangka ang mga fur babies.
18:26Pati ang lumang bathtub,
18:28ginamit na rin bangka para makapaghatid ng mga pauwi.
18:31Bangkang dimotor ang transportasyon ng mga taga-sityo nabong sa barangay May Sulaw sa kalumpit, Bulacan,
18:39dahil sa matagal nang hindi lumilitaw ang kanilang kalsada.
18:43Pag tumuntong po yung December, natutuyo na po yun unti-unti.
18:48Tapos summer, tuyong-tuyo na po pati kalsada.
18:51Pero ngayon po, hindi na po natuyo.
18:54Last year po, hindi na po natuyo.
18:56Catch basin kasi ang bahaging ito.
18:59At kapag high tide, hindi na makaagos ang tubig patungo sa Pampanga River.
19:03Ang gobyerno po natin, sana po eh, mapansin po ito at magawa ng paraan.
19:09Kahit papano eh, yung mabawasan man lang ho yung tubig, masaya na ho kami doon.
19:14Ayon sa administrador ng barangay May Sulaw,
19:17gumagana naman ang May Sulaw Sapa Pumping Station.
19:20Pero dahil wala rin mapuntahan ng tubig,
19:23Minsan, hindi na nila ito pinapagana.
19:26Ang bahay na ito malapit sa Pampanga River,
19:28isang linggo na raw binabaha.
19:30Yanan ho kayo lumikas?
19:32Nang isang araw pa po.
19:34Kasi may parating na bagyo,
19:36hindi na namin ihintayin pang abutin kami ng paglaki ng tubig.
19:40Pataas ng pataas ng araw ang baha sa kanilang lugar
19:43at unti-unti nang lumulubog ang kanilang mga bahay.
19:474.6 po bukas, mag-umpisa ng mga around 5.
19:50Palaki ng palaki pero dati pagka-high tide lang,
19:54hindi ho lumalaki.
19:56May halong tubig nang gagaling ng itaas.
19:59Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
20:02Huwag magpahuli sa mga balitang dapat nyong malaman.
20:06Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Recommended
19:32
|
Up next