00:00Sa gitna ng walang humpay na pagulan, umabot na sa full supply level o 135 meters ang tubig sa Wawa Dam ngayong araw,
00:08base sa social media post ni Rizal Governor Nina Inaris.
00:12Dahil dito, tuloy-tuloy ang pag-apaw ng tubig mula sa dam.
00:16Ayon kay Rodriguez Rizal Mayor Ronnie Evangelista, magsasagawa sila ng fourth evacuation kung hindi pa bumuti ang lagay ng panahon.
00:24Naka-red alert din ang lungsod ng Pasig.
00:27Umapaw na rin ang Lamesa Dam na maaari pang magpabaha sa mga barangay na apektado ng Tulyahan River.
00:34Ayon sa MMDA, tuloy-tuloy ang operasyon ng 71 nilang pumping stations.