Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
Binaha rin ang Commonwealth Avenue sa Quezon City. Binansagang pinakamalapad na highway pero kanina halos magsiksikan sa inner lane ang mga sasakyan sa isang bahagi nito dahil sa baha!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binahari ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
00:03Binansagang pinakamalapad na highway pero kanina,
00:06halos magsiksikan po sa inner lane ng mga sasakyan
00:09sa isang bahagi nito dahil sa baka.
00:11Nakatutok live si Darlene Kai.
00:14Darlene.
00:18Emil, hanggang ngayon, malakas at tuloy-tuloy yung boost ng ulan dito sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
00:23Buong araw, ganyan yung sitwasyon kaya bumaha rito.
00:26So, tumirik yung ilang motorista at na-stranded ang maraming pasahero.
00:35Baha ang idinulot ng malakas at tuloy-tuloy na boost ng ulan sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
00:45Martikular na nalubog sa tubig ang bahagi ng southbound lane pagkalagpasan Doña Carmen at Don Fabian sa bandang Fairview.
00:51Sa video na kuha ng isang residente, sa inner lane lang nagtakang dumaan ang mga sasakyan
00:55lalot galing sa kabilang gilid ang dumadaloy na tubig.
00:58Pero, tumirik ang ilang motorsiklo kaya itinulak na lang ng kanilang rider.
01:03Ayon sa uploader, hanggang tuhod niya na ang baha.
01:07Bumigat tuloy ang daloy ng trafiko sa Commonwealth Avenue.
01:10Halos walang galawan ng mga sasakyan dahil marami ang hindi makadaan sa mga bahang parte ng kalsada.
01:16Tumirik ang motorsiklo ni Joseph na ongoing pa naman ang delivery.
01:19Walaan na lang po minto, ayaw man dar.
01:22Ayrop na po kasi hindi.
01:23Hingis na nakabiyayan na po, may anong pa po, mga beriya pa.
01:26Stranded naman na ilang pasahero tulad ng Pamilya Villaluz.
01:30May kasama pa silang baby na nababasa na sa lakas ng ulan.
01:33Pero kailangan-kailangan na nilang makapunta sa San Jose del Monte, Bulacan
01:37dahil namatay na ang kanilang padre de familia.
01:40Ay naku, topic na nga.
01:42Hindi namin alam kung anong oras kami makakarating.
01:46Grabe, mahirap po.
01:47Dalo na po, mga punuhan din.
01:49Mahirap makasakay.
01:57Emilio mismo ang kinatatayuan ko dito sa paglagpas ng Luzon Avenue sa eastbound.
02:01Tuloy-tuloy naman yung daloy ng trafiko dito.
02:04Hindi naman heavy yung traffic situation.
02:06Pero ayon sa MMDA Metrobase,
02:08doon sa bahagi ng Mindanao Avenue Extension
02:10ay may gutter deep na na-level ng baha.
02:13Pero dahil tuloy-tuloy nga yung pag-ulan,
02:15posible pa rin na magbago yung sitwasyon na yan.
02:18Kaya mag-antabay po tayo sa updates at mag-ingat yung mga motorista.
02:22Yan yung latest mula rito sa Quezon City.
02:23Balik sa iyo, Emilio.
02:24Maraming salamat, Darlene Kai.

Recommended