00:00Samantala Cordillera Region naka-alerto na sa banta ng Bagyong Crising.
00:05Mga residente na nakatira sa delikatong lugar, hinimok na lumikas bago pa manalasa ang bagyo.
00:11Si Jezril Kate Lapizar ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:18Naka-blue alert na ngayon ang Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council
00:24bilang paghahanda sa banta at posibleng epekto ng Bagyong Crising.
00:30Muling nag-convene ang mga miyembro ng DRRM Council para sa risk assessment at pagpaplano sa worst case scenario.
00:39Sa pagtaya ng pag-asa, tatawid ang Bagyong Crising sa kalupaan ng Hilagang Luzon.
00:45Kaya nakataas na sa Tropical Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Cordillera Region
00:51na maaaring makaranas ng malalakas na hangin at pag-ulan sa susunod na 36 na oras.
00:58Sa pinakahuling hazard information mula sa Mines and Geosciences Bureau,
01:04susceptible sa pagguho at pagbaha ang higit dalawang daang barangay sa Abra,
01:09siyam na putsyam na barangay sa Benguet at siyam na putwalo sa Mountain Province.
01:15Ang Department of Social Welfare and Development Cr. naman,
01:19nakahanda na ang kanilang food and non-food items na ipapamahagi sa maaapektuhan ng bagyo.
01:25Mahigit 68,000 family food packs ang inilaan ng DSWD.
01:32Mahigit 50,000 ang nasa kanilang warehouses at higit 15,000 naman sa mga lokal na pamahalaan.
01:40Na-activate na po ang ating mga teams para i-monitor po yung maaaring epekto ng bagyo po dito sa rehyon natin.
01:47So aside from the team po dito sa field offices, meron din po tayong mga teams din po sa ating mga SWD offices.
01:55And in collaboration and partnership with the P-Dream O's and the M-Dream O's,
01:59is nakikiisa din po sila para sa monitoring din po sa kanilang area of responsibility po.
02:06Samantala, puspusan na rin ang paghahanda ng Baguio City DRRM Office sa magiging epekto ng bagyo,
02:15lalo na sa mga barangay na binabaha at mataas ang tsansa ng pagguho ng lupa.
02:21Pinapayuhan ang mga residente na magsagawa ng preemptive evacuation
02:25kung may nakikitang banta sa kanilang paligid bago pa manalasa ang bagyo.
02:30Kung talaga makita natin piligro na at alanganin na yung kanilang lugar,
02:36we ask these residents kung possible kung wala silang lilipatang kamag-anak dito sa barangay
02:42or dito sa ating office na as evacuation.
02:45We observe our surroundings, ating mga nearby residents.
02:50Kung may mga piligro pong nakikita nila, i-report po sa ating mga barangay
02:54or call 911 at agaran na na ang aksyonan niya.
02:57Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.