Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Trigger warning! Suspendido ang lisensya ng TNVS driver na nagtangkang manaksak ng pasahero. Banned na rin ang driver sa app kung saan siya na-book ng pasahero.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Suspendido ang lisensya ng TNVS driver na nagtangkang manaksak ng pasayero.
00:05Bad na rin ang driver sa app kung saan siya nabuk ng pasayero.
00:09Ang nahulikam na insidente sa pagtutok ni Mark Salazar.
00:19Nakipagtalo sa driver ng nasakyang TNVS ang mga pasayero ito
00:23dahil sa maling lugaran nila sila ibinababa sa Dilariana Street, Binondo, Maynila.
00:30Mabilis uminit ang palitan ng salita.
01:00Sa kuha ng CCTV ng barangay 293,
01:06makikitang bumaba na ang dalawang pasayero kahit hindi pa nakaparada ng maayos ang TNVS.
01:12Bumaba rin ang driver at inabot ang sukli.
01:15Ayon na rin ito sa pagdiditalye ng babae sa kanyang barangay blotter.
01:19Pero makikitang tuloy ang pagtatalo hanggang sa bumalik ng kotse ang driver at kumuha ng kutsilyo at inamba.
01:27Itinulak ng babae palayo ang kasamang lalaki sa kahinarapang driver.
01:35May ibang umawat kaya umalis na rin ang TNVS driver.
01:40Napanood ito lahat ni Transportation Secretary Vince Dizon.
01:44Nung nakita namin yung video ng TNVS driver, immediately pinasuspend din natin kagad yun.
01:50And then pinashowcos natin yung TNVS.
01:54Sa in-drive ride hailing app, nagbook ang mga biktima.
01:57Kaya sa in-drive ipinadala ng LTO ang showcos order laban sa driver.
02:01Yun na po ang nakakalungkot kasi we have been trying to contact the driver since we learned about the incident.
02:09Kaso hindi po siya sumasagot eh.
02:11Suspendido ng 90 days ang driver's license ng TNVS driver na pwede pang makan sila depende sa kalalabasan ng investigasyon.
02:20Every time may mag-report, automatic na yung action ng gobyerno dito.
02:26They don't even have, LTO, LTFRB don't even have to tell me.
02:30I have given them authority to just do it.
02:33Hindi rin inaalis ng DOTR ang responsibilidad sa mga ride hailing apps kapag mali ang asal ng kanilang driver partners.
02:42Clearly meron silang kailangan gawin kung yung mga driver nila mananaksak ng pasahero.
02:49We have already sent the showcos to in-drive and they will have to explain this.
02:55Binana ng in-drive ang sangkot na driver dahil malinaw na rin umiiwas ito sa responsibilidad at hindi pumapailalim sa investigasyon.
03:04Binerify po muna namin yung ride.
03:06Tinignan namin kung nagkaroon nga po ng booking sa platform namin nung mga oras na yon using the name of the passenger and the driver and the plate number.
03:17Tapos nakita po namin na totoo naman po yung nasabi nung pasahero na hindi po siya na-drop off sa tamang location.
03:26Lumalabas din sa investigasyon na ang suspect ay TNVS driver din ng iba pang ride hailing app.
03:32Inalarma na ang lahat ng apps na tanggalin sa kanilang sistema ang hinahanap na driver.
03:38Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.

Recommended