Bukod sa Taal Lake, sinusuyod na rin ang isang sementeryo sa Laurel, Batangas kaugnay ng paghahanap sa mga missing sabungero. Ilang butong hinihinalang mula sa tao ang nahukay. Ayon kasi sa isang sepulturero, may nagpalibing sa kanya ng mga “salvage victim” na natagpuan sa magkakahiwalay na lugar 3 o 4 na taon na ang nakakaraan. ‘Di bababa sa 3 labi ang hinahanap.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:12Bukod sa Taal Lake, sinusuyod na rin ang isang sementeryo sa Laurel sa Batangas.
00:18Kawungay ng paghahanap sa mga missing sabongero, ilang butong hinihinalang mula sa tao ang nahukay.
00:25Ayon kasi sa isang sepultorero, may nagpalibing sa kanya ng mga salvage victim na natagpuan sa magkakiwalay na lugar.
00:32Tatlo o apat na taon na ang nakakaraan. Hindi po bababa sa tatlong labi ang hinahanap.
00:36Live mula sa Laurel, Batangas, nakatutok si Ian Cruz.
00:41Ian.
00:43Mel Emil, maghapon nga nang naghaghukay ang mga otoridad sa tulong ng lokal na pamahala ng Laurel sa public cemetery dito
00:51at ilang butong nga ang kanilang natuntun sa sementeryo at kabilang sa mga alamin kung konektado ba ang mga nahukay na buto sa mga missing sabongero.
01:01Gamit ang mini backhoe, hinukay ang isang bahagi ng public cemetery dito sa bayan ng Laurel
01:10Layong makuhang labi ng tatlong tao o higit pa na inilibing sa isang sulok ng sementeryo sa isang simpleng hukay
01:17Mag-aalauna ng hapon, may nakita ng mga buto na hinala ng motoridad ay buto ng tao
01:23Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia, konektado ito sa paghanap sa mga nawawalang sabongero
01:30There were some victims found in 2020 that were just buried by the police because nobody claimed them in the pulinaria
01:39We are assuming them now, we are setting up the DNA bank that we need to set up because precisely of those people are missing
01:46Ayon sa sepultorero na nakausap natin tatlong bangkay, yung nilibing niya sa bahaging ito ng public cemetery dito sa Laurel, Batangas
01:55Ayon sa kanya, hindi magkakasabay yung paglilibing niya dahil magkakahiwalay daw na natagpuan doon sa isang bulubunduking bahagi ng bayang ito
02:04Yung mga bangkay at yung iba naman ay doon pa sa ibang area at inatasan lamang daw siya na ilibinga dito sa lugar na ito yung mga bangkay
02:13Ayon din sa sepultorero, inilibing niya ang mga labi may tatlo hanggang apat na taon na ang nakakaraan at sa pagkakaalam niya ang mga ituraway diktima ng salvage
02:37Tila, matagal na rin daw patay nang sila ay matagpuan
02:53Habang naguhukay, nakabantay sa lugar ang mga taga forensic group ng PNP
03:05Naroon din ang mga taga CIDG, ang pangunahing nag-iimbestiga at ang local police para sa siguridad
03:11Bandang hapon, may dagdag pwersa pa ng Provincial Mobile Force Company ng Batangas Police na dumating para isicure ang lugar
03:19Sa Taal Lake, sa bahagi ng bayang ito rin nakuha ang mga buto na sinisid ng Philippine Coast Guard
03:25Ang mga nahukay na buto, inilagay ng forensic team sa body bag
03:29Inaasahang ipoproseso ito at kukuha na ng DNA profile sa layong makilala ito
03:35At Emil, mula nga dito sa bayan ng Laurel ay dadalhin sa isang pasilidad ng forensic group ng PNP
03:47Yung mga nakuha nilang buto para iproseso at para ma-identify
03:52Ayon naman kay Interior Secretary John Vic Remulia, wala silang sasantuhin sa ginagawang pag-iimbestiga ukol sa missing sa bungero
04:00Yan muna ang latest mula rito sa Laurel, Batangas, balik sa iyo Emil