Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
Panayam kay NIA Administrator, Engr. Eduardo Guillen ukol sa presyo ng palay Double Dry Cropping at iba pang irrigation program ng pamahalaan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pressure ng palay, double dry cropping, at iba pang irrigation programs ng pamahalaan.
00:06Ating pag-uusapan kasama si National Irrigation Administrator Engineer Eduardo Guillen.
00:12Admin Guillen, welcome back po sa programa.
00:14Salamat po.
00:15Magandang tanghali, sir.
00:16Sir, malinaw po ang direktiba ng ating Pangulo.
00:19Kaya king, abot kaya ang presyo ng bigas para sa bawat pamilyang Pilipino
00:24habang pinapalakas ang kita at kabuhayan ng ating mga magsasaka.
00:28So, sa harap po ng kasalakuyang hamon kung saan ang buying price ng palay ay bumababa sa 8 to 10 pesos kada kilo.
00:35Paano po tinutugunan ng NIA ang layunan ito upang sabay na mapangalagaan ang interest ng consumer pati na ng magsasaka?
00:45Wala, mabigat po yan, ano?
00:47Pero ang NIA kasi, yan ang kahalagahan po ng ating contract farming.
00:53Meron kasi tayong programa sa NIA na contract farming na kung saan sinisiguro po natin na yung ating mga kasali doon ay binibili po ng NIA yung kanyang palay ng saragang 21 pesos to 25 pesos.
01:06At ang formula po kasi ng NIA, yung 80% ang ma-produce po natin doon ay ibinabenta natin dito sa regular price.
01:14At yung 20% naman, yan yung ibinabenta ng NIA ng 29 pesos.
01:18So, so far, magdadalawang taon na po yung programa natin na ito, ay maganda naman po ang efekto at marami po tayong natutulungan.
01:26Bukod po doon, binubuo natin yung ating mga irrigators associations into cooperatives.
01:32At sila naman po yung priority na binibigyan ng Philmec ng farm masineries, lalo na po yung rice processing system na tinatawag, yung kis-kisan.
01:43Para hindi na po sila magbenta dapat ng palay, dapat bigas na.
01:46Kasi yung palay ang laging ating problema ang bumababa.
01:51Admin, bilang ahensyang pangunahing responsable sa irigasyon, paano po pinapalakas ng NIA ang kakayahan ng mga magsasaka na hindi lang umasa sa merkado,
02:01kundi maging aktibong kalahok sa buong value chain ng produksyon ho ng bigas?
02:05Well, kagaya ng nasabi ko po kanina, yung pinatawag natin dapat may economies of scale ang sistema ng ating mga magsasaka.
02:14So, para maging all-inclusive yung ating programa, binubuo natin sila as cooperative.
02:19Yan po ang solusyon natin doon.
02:21At para po mula doon sa financing, dito sa production, at saka dito po sa marketing, ay nandoon po sila.
02:33So, yun po yung solusyon talaga natin.
02:36At ang pagbuo namin ng kooperativa sa kanila ay isang co-oper town.
02:40Rather, humihingi rin kami ng tulong sa ating ma-local government units para po mapabuti talaga ang kalagayan ng ating mga farmers.
02:48May mga missing link doon sa value chain na ang mga LGUs lamang po ang pwede nyo tumulong.
02:55Admin, sa tuwing nag-guest po kayo sa amin, nababanggit nyo palagi yung pagpapalit ng cropping calendar para mapataas yung produksyon.
03:03At ngayon, pinapatupad nyo na rin yung double dry cropping.
03:06So, pakipaliwanag po kung ano itong double dry cropping at paano nito napapataas ang produksyon ng mga magsasaka ng walang dagdag na gasto sa government.
03:16Alam nyo po kasi ang pinaka, of course, ang direkta po na approach dito para tumaas sana ang produksyon natin is magdagdag tayo ng irrigation facilities.
03:26Ano po?
03:27Alam naman natin na matagal din gawin ito.
03:30So, habang nagdadagdag tayo ng irrigation facilities, may mga paraan naman po kasi para mapaangat natin yung ating production.
03:38Katulad po nung sinatawag nilang dapat ma-increase yung cropping intensity.
03:43Eh, mali po kasi yung sistema natin sa ngayon, yung dati, na ang isang cropping natin ay natataon talaga siya dito sa tag-ulan.
03:53So, yung cropping namin na yun, June-July. Eh, siyempre tatama ang bagyo dyan.
03:59Tapos, ang unang cropping namin noon is December, magtatapos kami ng April-May.
04:05Ngayon, binago po natin, ginawa natin October ngayon yung unang cropping natin.
04:11Pag October, aani ka ng February, quick turnaround, March, tatanim ulit kami, aani ka ng July.
04:16So, malalayo yung ating mga farmers sa bagyo, climate smart agriculture ang tawag po natin dito.
04:24At the same time, tataas yung kanilang productivity, ano, dahil yung yield nila tataas dahil nga maaraw.
04:32Pag maaraw, mas mataas ang yield ng palay.
04:35So, in-increase natin yung yield, in-increase din natin yung cropping intensity.
04:42So, tataas talaga ang production natin.
04:43At the same time, of course, kikita yung ating mga farmers dahil na pag mas mataas yung cropping intensity, mas malaki ang kita ng mga magsisaka.
04:51Si Admin, hindi nyo talaga mapapalasunan. Lumulutang yung expertise ho niya.
04:56I had the rare privilege of makakwentuhan si Admin doon sa hometown niya o sa Ilocos.
05:02Kiba din ho nito ang implementasyon ng alternate wetting and drying method sa irigasyon.
05:08Paano po ito nakakatulong sa pagpapatipid ng tubig at pagbaba ng production cost at pagtaas ng ani ng maraming lugar sa ating bansaad?
05:18Alam nyo po kasi ang nakasanayan ng ating mga farmers ay pag nagtanim na ng palay, laging nakalubok yung palay nila sa tubig.
05:25For the main reason po na para huwag tubuan ng damo eh.
05:30Pero pagkinawa mo naman kasi yun, pag nakababad yung lupa mo sa tubig, una, hindi siya na-expose sa hangin.
05:38So yung hangin kasi ang isang source din ng ating fertilizer natin, yung nitrogen, micronutrients.
05:45Eh ngayon po, sa sistema ng niya ngayon, naglalagay kami ng observation tube, 30 cm doon sa ating palayan.
05:55At kapag naka-21 days na yung ating nakatanim ng palay natin, ibababa namin yung tubig, tatanggalin namin yung tubig at ililipat namin sa ibang area.
06:05Hanggang makita namin na konti na lang yung laman ng tube, saka namin ibabalik ulit.
06:09So, pagkinawa mo po yun, siyempre nakakatipid ka ng tubig, ang tala namin dyan, nasa 30% ang natitipid namin, mas marami po kami napapatubigan.
06:19At ang maganda po noon, may kapartner po tayo dyan, para sa carbon credit sequestration.
06:26So, pagkinawa ng mga farmers natin yun, meron pa silang additional income doon sa carbon credit.
06:31At napansin namin na mas mataas din po ang yield ng kanilang palay, dahil ang palay parang, you know, parang tao yan eh.
06:40Pagka naguto, magkahanap ng pagkain.
06:42Pag binaba mo yung tubig, hahabulin yung root system niya yung tubig.
06:46So, mas hahaba yung root system, mas gaganda yung absorption niya doon sa micronutrient.
06:52So, nakatipid ka na ng tubig, may extra income pa yung ating mga farmers sa carbon credit, at tataas pa yung yield ng kanilang palay.
07:01Yung alternate wetting and drying method na yan, Asika Aboy, yung isa sa mga nakatulong noong panahon ng El Niño last year.
07:09Tama po, tama po. In fact, ang vulnerable namin noon sa Upris na lang, Upris area, was at 50,000 hectares.
07:15Yun ang hindi namin kayang patubigan noon eh. Out of the 140,000 hectares ng Upris, 50,000 ang vulnerable namin.
07:22Ang hindi lang namin ang patubigan, 4,000 hectares. Malaking bagay po.
07:26At mean, paano naman po nakakatulong yung pag-cluster ng Irrigators Association,
07:32pagtatayo ng mga rice processing centers, at yung nabanggit nyo kanina, contract farming,
07:37para po mas mapalaki yung kita ng ating mga magsasaka, kahit mababa po yung presyo ng palay?
07:42Alam nyo po kasi, ang gusto kasi ng ating Pangulo ay, again,
07:49makapture ng ating mga farmers yung value-added ng rice production.
07:52So, again, mula doon sa financing hanggang doon sa marketing.
07:56Ngayon, ang negosyo kasi, dapat may economies to be scale yan eh.
08:00So, the only way para gawin mo yan is i-cluster mo yung ating mga farmers,
08:03yung ating Irrigators Association into one cooperative.
08:06Per town po kami.
08:07At pag ginawa mo yun, mas mapapadali rin ang pagpili ng Philmec nang bibigyan nila ng farm machineries.
08:15Dati, magbigay ang Philmec sa mga maliliit lang na grupo.
08:19Pero ito ngayon, di ba ang gusto ng gobyerno, yung inclusive growth?
08:23So, mas maraming member ng grupo, mas maraming matulungan.
08:27At ito naman ang binibigyan ng Philmec ngayon, ng mga farm equipments.
08:30So, ngayon, ang ating mga farmers, again, dahil may cooperative sila,
08:38pag nagbenta sila ng palay nila doon sa kanilang cooperative,
08:42hindi magtatapos doon yung kita nila eh.
08:43Of course, yung co-op nila, kikita rin sa rice processing and marketing, di ba?
08:48So, yung additional na kita nila, babalik naman sa kanila through dividends and patronage refund.
08:54Yan ang tunay na sustainable na pagtulong sa ating mga farmers at yan ang bili ng ating pangulo.
09:02So, meron na kami na buong mga 300 plus na cooperative sa buong bansa
09:07at may nabigyan na ng mga RPS na more than, almost 200 na rin ang nabigyan ng RPS.
09:13Ito, medyo napagkwentuhan natin ito nung nasa inyo tayo, no, admin?
09:16Sa aspeto ho ng teknolohiya, paano ho ginagamit ng NIA ang solar-powered irrigation,
09:22AI-driven weather monitoring and digital tools upang mapabuti ang efficiency,
09:27mapababa ang production losses at masiguro na ang sustainability ho ng ating mga proyekto?
09:33Well, alam nyo po, kung makikita mo sa farm, ano po, dati-dati, of course,
09:37ang ginagamit ng mga farmers natin, yung mga diesel-driven na mga pumps,
09:43eh, napakamahal yung isang farmer na nakausap ko noon.
09:46Sabi nyo, maabot ng between 40 to 80,000 yung gastos nila sa isang hectare pa lang, ano?
09:51Eh, ngayon, itong mga solar pump irrigation projects natin, eh, libre na ito.
09:56Wala na silang gagastusin dito.
09:57At ang area po na napapatubigan nito is around mga 10 to 15 hectares.
10:03At ito po, yung mga farmers natin na hindi nakasama noon
10:07doon sa National Irrigation Master Plan ng NIA.
10:09Ito po yung mga, ang slope ay 3% up to 20%,
10:15nandun sila sa mga upland communities.
10:18Ito na yung mga producers natin ng high-value crops, ano?
10:21So, yun o, makita nyo lang sana, like mga projects namin sa Cebu,
10:26makita mo yung pagbabago ng buhay ng ating mga farmers
10:29kasi ngayon, marami na nagpapatayo ng mga konkretong bahay doon, ano?
10:33So, yung tulong na ito, talagang far-reaching ang naabot na ito.
10:38Ito yung, di ba, ang gusto ng ating pangulo is pabubain ng poverty incidents.
10:43Eh, ang more than 50% ng ating mahirap na sa agricultural sector.
10:48Ang maganda dito sa solar-driven irrigation natin, pump irrigation,
10:534 to 6 months lang namin tinatayun.
10:55So, mabilis yung turnover natin dito.
10:58Kaya, napakahalagang, napakahalaga po na ito, ano?
11:02Eh, nagtatinim sa aming, sa Ilocos, tabako.
11:05Eh, doon sa Mindoro, Cebuyas.
11:07Sa Cebu, yung mga high-value crops sila,
11:11yung mga pang vegetable, eh, pang, ano, pinakbet, mga ganyan.
11:15So, yun, no, I think this is also a collaboration point
11:23na magiging interesado at magiging excited to ang DICT.
11:26Asik, Joey, no?
11:28At lalo na sa, siguro sa aspeto rin ng climate resilience.
11:33So, last year, ang dami pong bagyo na dumaan sa ating bansa
11:37at mas magiging frequent na po yung climate phenomena
11:40gaya ng El Nino at saka La Nina.
11:42So, paano po natin may ensure na yung ating mga irrigation system
11:47ay magiging climate resilient?
11:49Well, uh, una po, kalimutan ko lang sabihin kanina,
11:52yung ating mga solar pump irrigation system na yan,
11:56may AI technology yan, eh, ano?
11:58So, doon, ibibigyan niya sa amin yung data kung kailangan ka dapat magtanim,
12:04ano ang dapat mong itanim, yung variety na dapat mong itanim.
12:07So, yung mga yan, nilagay namin yun sa mga dulo
12:10ng ating mga national irrigation system.
12:12So, natutulungan niya kami ngayon na i-determine kung kailan ka dapat magtanim.
12:16Again, climate smart ka na, digital agriculture pa, ano?
12:20Iiwas mo, iiwas mo yung, iiwas mo yung pagtatanim mo doon sa mabagyo
12:27o kaya may calamity.
12:28So, isa po yun.
12:29And, of course, uh, uh, ang maganda po po dito sa sistema natin ngayon, sa NIA,
12:37yung kapag ka-dry season, yung aming itinatanim po dito,
12:42madalas yung mga hybrid varieties, so mas mataas ang yun.
12:46At pagkanoon, pagpanahon pa naman po ng, uh, uh, takulan, yung mga inbred naman.
12:52So, both yung pondo ng, uh, fill rice kasi nasa kanila yung inbred seeds, ano?
12:57At saka yung national rice program, nandiyan naman yung hybrid na mamaksimize po natin.
13:02Maganda po yung, uh, uh, sinasama natin dito yung magandang samahan ng NIA at ng DA ngayon.
13:09Lagi kami nag-meeting through SEC Kiko, yung convergence meeting natin,
13:13para yung input na ibinibigay ng DA din sa ating mga farmers, na ibibigay namin sa tamang oras.
13:19Meaning, bago mag-release ang NIA ng tubig, ay nansa kanila na yung mga farm inputs.
13:24Dati natin kasi, you know, wala sa timing, eh.
13:27Pero ngayon, yun ang kagandahan ng, uh, uh, pagsasamahan ngayon, yung convergence efforts ng iba't-ibang agents.
13:33I think, uh, maganda po yung, uh, yung, uh, pagkakalagay ho kay Admin Gilain because he's also a tech dook natin.
13:39Hindi siya umaasa doon sa traditional ways of irrigation and farming.
13:43Uh, pero Admin, madalas pong nabanggitin sa kahalagahan ng mga high dams.
13:49Sa halip na puro dredging at, uh, revetment, maaari po kayong maging bahagi ng flood control budget ng DPWH,
13:58yung mga high impact infrastructures.
13:59Ano po ang paninindigan niyo ukol dito, Admin?
14:02Eh, kasabihan tayo, eh. Anything that you cannot control, you cannot manage, eh.
14:07So, para sa amin, sa NIA, ang best flood control project talaga is water management.
14:13So, mamamanage mo lang yung tubig, makukontrol mo lamang siya kung meron kang high dams.
14:18So, ilang sabihin na ito, pag may high dam ka kasi, um, katulad ngayon, ang NIA, meron kaming system,
14:23mag-determine namin kung ilan yung tubig na babagsak dito sa ating reservoir, uh, pag may parating nabagyo, ano.
14:29So, malayo pa lang, alam namin kung bubuksan ba namin yung gate ng aming dam, magre-release bako mo ng tubig, o hindi.
14:36So, nakakatulong po ito sa flooding, ano.
14:39Kung makikita niyo yung ating mga dams ngayon, halos puno yan lahat, eh.
14:43Kasi nga, again, dahil dun sa technology na yun, ah, meron kaming, ah, alam namin kung kailan mo ita,
14:51dati kasi pag may paparating na bagyo, kinakabahan ka na, iaangat mo na yung, magre-release ka na ng tubig,
14:56yun pala, wala lang mababagsak na ulan.
14:58Pero ngayon po, nagagamit namin yung technology para po namamaksimize natin yan, ano.
15:03At, and of course, ang DPWX kasi, nasa kanila yung malaking pundo ng flood control, eh.
15:09So, ang otos naman ng Pangulo sa kanila, makipag-ugnayan sila sa amin para yung ibang mga projects nila,
15:16like yung Sabo Dams, yung Sabo Dams, sedimentation control yan, eh.
15:20Pero pwedeng gamitin yan ng NIA para, you know, makapag-divert naman kami ng tubig.
15:27Pwedeng diversion dam siya.
15:29So, flood control na siya, diversion dam lang.
15:32Nagagamit pa sa tourism, no?
15:34At sa aquaculture.
15:36So, yung tawag namin sa NIA dyan, bayaniyan, eh.
15:39Ang gusto ng ating Pangulo na magbayanihan kami,
15:43ginagawa namin yan, NIA at iba't ibang agency, yung DPWX,
15:47para yung flood control fund nila, at least magkaroon siya ng food security component.
15:55Yan, nabanggit nyo admin yung bayaniyan, no?
15:58So, mahalaga ang koordinasyon at pakikipag-ugnayan sa mga LGU at sa ibang ahensya
16:04para po maipatupad din yung mga innovation ng NIA.
16:07So, sa ngayon po ba, meron kayong existing partnerships with other agencies
16:11para po mapatupad yung mga programa ninyo?
16:14Alam nyo po, ang totoo nyan. Ako, dating mayor.
16:16Alam ko na ang susi ng pagkasensory ng ating mga farmers,
16:21malaki ang mayambag ng mga local government units.
16:23Harimbawa na lang, bibili sila ng produkto ng ating mga farmers.
16:27Lahat naman ng LGUs natin sa buong bansa,
16:30meron pang calamity fund, eh.
16:32You know, pag calamity, namimigay ng bigas.
16:34Pag Christmas, namimigay ng bigas.
16:36So, imbes na bumili sila sa traders,
16:38bakit hindi ka na lang bumili sa farmer mo, yung IA mo,
16:42lalo na kung meron kang cooperative, ano po.
16:45So, lalo na dito sa mga cities,
16:47kinakausap din natin yung ating, ano,
16:50yung ating MMDA
16:53para po tumulong kausapin yung ating mga city mayors
16:56para naman bumili rin sila ng produkto ng ating mga farmers.
17:00So, isipin natin, ano,
17:02ang pinakamalaking market mo kasi dyan is itong gobyerno.
17:05Ang suggestion ko nga kina-presidente at saka kay Sekigo,
17:08dapat ka ako yung NFA,
17:10huwag siyang magbenta ng murang bigas
17:12dito sa ating mga LGUs.
17:15Para si LGU, mapilitang bumili sa ating mga farmers.
17:18Ang laging sinasabi ng mga farmers natin,
17:22yun lang namang marketing
17:23para mapaikot nila yung kakaunting kapital nila
17:26at, you know,
17:28mapasenso natin yung ating mga kooperatiba.
17:30Well, admin,
17:31minsanhin na lang po sa ating mga magsasaka,
17:34lokal na pamahalaan at publiko
17:36na umaasa sa murang bigas
17:38at masaganang ani.
17:39Alam ko po, sir,
17:41ang totoo niyan na
17:42yung mga farmers natin,
17:43ramdam naman nila,
17:44yung kita naman nila
17:45yung ating ginagaway.
17:47So, ibig ko sabihin,
17:48yung direction na gusto ng ating Pangulo,
17:51yung pag-empower sa ating mga farmers
17:53through sa pagbuo ng kanilang mga kooperatives,
17:56alam po nila yan.
17:57At ramdam naman natin
17:59at kita natin yung pag-asenso ng buhay nila
18:01kung nakakapture nila yung whole value chain
18:05ng rice production.
18:06Ang pakiusap lang natin
18:08sa mga local government units,
18:10ano po,
18:10ang totoo niyan,
18:12may mga missing link doon
18:13sa value chain,
18:16na LGU lang ang mga katulong,
18:19katulad ng pag-empower sa ating mga kooperatives,
18:22yung pagbili ng mga lupa
18:24kung saan itatayo yung mga warehouses.
18:27Napakarami pong pwede nilang itulong,
18:29lalo na yung marketing.
18:31Kung tayo lang sana,
18:33lahat,
18:33ay magtulungan,
18:35huwag nating iyasa lang lahat
18:36sa national government.
18:38Tutal, lumaki naman
18:39ng dati era
18:40ang tawag doon sa aming
18:42internal revenue allotment.
18:44Yun yung tawag sa mga
18:45pundo na pupunta sa LGU.
18:47Ngayon, NTA na eh,
18:48National Tax Allotment na.
18:50So, ibig sabihin,
18:51mas marami ang perang
18:52na pupunta sa LGUs ngayon.
18:55So, dapat mas aktibo
18:57ang ating mga LGUs
18:58na tumulong sa kanila.
18:59So, ang NIA,
19:00nakipagpirmahan kami ng MUA
19:02dito sa ating mga,
19:03sa local municipalities
19:05of the Philippines
19:06para po,
19:08dito sa purpose na ito.
19:09Sabi namin,
19:10i-identify namin yung mga,
19:13pwede nilang itulong
19:14sa ating mga farmers
19:15at lahat naman ng politiko.
19:17Pagka-eleksyon,
19:18sinasabi,
19:18tulungan natin yung mga magsasaka.
19:20So, ito ngayon,
19:21ang chance natin na ipakita
19:22na sinsiro tayo dito
19:24sa ating
19:24pangako,
19:26yung ating campaign promise
19:28na tulungan yung mga magsasaka natin
19:30sa kumumagitan ng action talaga.
19:34Put your money
19:35where your mouth is.
19:36Punduhan natin yung
19:37yung ating,
19:39kahit yun lang,
19:41mamili ka lang eh.
19:42Mamili ka lang ng produkto
19:44ng mga magsasaka natin.
19:45Napakalaking bagay na po yun.
19:46So, sana lahat ng LGUs
19:48ay tumulong sa marketing
19:51ng produkto ng ating mga farmers.
19:54As always,
19:55maraming salamat po sa inyong oras,
19:57National Irrigation Administration
19:59Administrator,
20:01Engineer,
20:01Eduardo Guillen.
20:02Thank you, sir.

Recommended