00:00Nakikiramay ang Department of Foreign Affairs at Embahada ng Israel sa Pilipinas sa pamilya ng Pinay Caregiver
00:05na nangasawi sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Iran.
00:09Ang detalya sa report ni Gav Villegas.
00:15Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs sa mga naulila ng Pinay Caregiver na si Lea Mosquera
00:21na matinding tinamaan sa missile attack ng Iran sa Rehovot, Israel noong nakaraang buwan.
00:26Sa pahayag ng BFA, sinabi nito na inaayos na ng ating embahada sa Tel Aviv na maiuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi.
00:33Nagpasalamat rin ang kagawaran sa mga medical professional na nag-alaga kay Mosquera,
00:38pati na rin sa Filipino community na naging karamay ng kanyang pamilya at mga kaanak habang ito ay nasa ospital.
00:44Muling nanawagan ang kagawaran na protektahan ang mga sibilyan, lalo na ang mga migrant workers sa panahon ng tunggalian.
00:50Nagpaabot rin ng pakikiramay ang embahada ng Israel sa Pilipinas at dito ay kanilang inalala si Mosquera bilang isang tao
00:57na nagtataglay ng mga katangian ng pagiging matatag, mapagmalasakit at pagiging malakas.
01:03Kinilala rin ang pamahalaan ng Israel si Mosquera bilang isa sa mga nasugatan sa nasabing pag-atake
01:08at inaayos na ng kanilang gobyerno na siya ibigyan ng pagkilala bilang victim of terror.
01:13Bibigyan ng Israeli government ang mga kaanak ni Mosquera ng lifelong support bilang bahagi na pagsisikap ng kanilang pamahalaan na dumamay sa ganitong panahon.
01:22Sa pinakuling datos ng ating embahada, aabot na sa higit 700 Pilipino na ang nabigyan ng tulong pinansyal,
01:28halos 500 naman ang nabigyan ng food at hygiene kits,
01:32107 Pilipino ang naproseso para sa voluntary repatriation at 201 Pilipino naman
01:38ang sumasa ilalim na sa psychological support at counseling.
01:41Gab Humilde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.