00:00Puspusan pa rin ang paghatid ng tulong ng gobyerno sa mga OFW sa Israel na naapektuhan ng kaguluhan.
00:06Ayon sa ating embahada doon, pinuntahan ng DMWOA team ang mga Filipino hotel worker na pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa kaguluhan.
00:17Nakatanggap sila ng financial assistance at relief packages na may lamang bigas, pagkain, groceries at hygiene products.
00:24Sa mga susunod na araw umano ay ipatatawag ni Ambassador Eileen Mendiola ang pamunuan ng Israel Hotel Association para talakayin ang mga hakbang para mapangalagaan ang Filipino hotel workers sa gitna ng kaguluhan.
00:39Gayun din ang iba pa nilang problema na kinakaharap.